Puwede raw ipantapat sa KathNiel… LUIS, SHOCKED NA SHOCKED NA SINA EDU AT CHERRY PIE NA
- BULGAR
- Dec 3, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 03, 2021

Na-interview ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola-Manzano ni G3 San Diego at isa sa mga naitanong kay Luis ay ang relasyon ng ama niyang si Edu Manzano at ni Cherry Pie Picache.
Ayon kay Luis, nagulat siya nang malaman ang nabubuong romansa ng ama at kasama nito sa ABS-CBN series na Marry Me, Marry You.
Biro ni Luis, kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN next year, baka sina Edu at Cherry Pie ang itapat ng network sa KathNiel.
“Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming,” ani Luis.
Ayon pa kay Luis, may na-send sa kanyang larawan ng ama at ni Cherry Pie na parang dinner date ng couple.
“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, 'Uy, Daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes, anak, happy,'” naalala ni Luis na sagot ni Edu.
Samantala, may tsika pala na lilipat si Luis sa TV5, kaya laking-tuwa ng mga fans nito at ng Kapamilya fans nang i-post ang teaser ng new season ng I Can See Your Voice na magbabalik na next year.
Si Luis ang host nito at dahil sa post niya, napatunayang mali ang tsismis ng mga Marites dahil mananatiling Kapamilya ang TV host.





Comments