Puwede bang matanggal sa trabaho ang titser na nabuntis nang hindi kasal?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 17, 2022
Dear Chief Acosta,
Ang kapatid ko po na isang guro ay buntis, ngunit, hindi pa siya kasal. Maaari po ba siyang matanggal sa kanyang trabaho nang dahil sa kanyang pagbubuntis?
Janela
Dear Janela,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule III, Section 16 (c) ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 9710 o mas kilala sa tawag na The Magna Carta of Women, kung saan nakasaad na:
“SECTION 16. x x x
C. x x x. The DepEd, CHED and TESDA shall monitor and ensure compliance of educational institutions to the following:
x x x
1. Women faculty who become pregnant outside of marriage shall not be discriminated by reason thereof. They shall not be dismissed, separated from work, forced to go on leave, re-assigned or transferred. They shall have access to work already held with no diminution in rank, pay or status and shall be entitled to all benefits accorded by law and by the concerned learning institutions;” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit, malinaw sa batas na ang mga guro na nabuntis, kahit na hindi pa sila kasal, ay hindi dapat tanggalin sa trabaho, pilitin na mag-leave, mare-assign, or ma-transfer nang dahil lamang sa pagbubuntis. Ibig sabihin, hindi dapat na matanggal ang inyong kapatid sa kanyang trabaho dahil siya ay nabuntis nang hindi pa kasal.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments