Puwede ba ipawalambisa ang pag-aampong ginawa?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 5, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay inampon ng aking mga magulang noong ako ay bagong panganak ngunit madalas kaming hindi magkasundo. Maaari ko bang ipawalambisa ang pag-aampong ginawa sa akin? – John
Dear John,
Para sa inyong kaalaman, maaari lamang maipawalambisa ang nangyaring pag-ampon sa pamamagitan ng paghain ng petisyon ng batang inampon. Ayon sa Seksiyon 19 ng Republic Act No. 8552, o mas kilala bilang “Philippine Domestic Adoption Act of 1998”:
“Sec. 19. Ground for Rescission of Adoption.- Upon petition of the adoptee, with the assistance of the Department if a minor or if over eighteen (18) years of age but is not incapacitated, as guardian or counsel, the adoption may be rescinded on any of the following grounds committed by the adopter(s): (a) repeated physical and verbal maltreatment by the adopter(s) despite having undergone counselling; (b) attempt on the life of the adoptee; (c) sexual assault or violence; or (d) abandonment and failure to comply with parental obligations.
Adoption, being in the interest of the child, shall not be subject to rescission by the adopter(s). However, the adopter(s) may disinherit the adoptee for causes provided in Article 919 of the Civil Code.” (Binigyang-diin)Ibig sabihin, maaaring maipawalang-bisa ang naganap na pag-aampon kung isa ito sa mga dahilang nabanggit ng batas. Sa inyong sitwasyon, ang madalas lamang ninyong hindi pagkakaunawaan ng mga taong umampon sa inyo ay hindi sapat na dahilan upang maipawalang-bisa ang ginawang pag-ampon sa inyo.
Ang Department na tinutukoy sa itaas ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments