top of page

Puna ni Arch. David, nagsusugal ng cara y cruz, hinuhuli, pero gobyerno walang aksyon sa online sugal at gambling lords

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2025
  • 3 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 7, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


AYAW ISAPUBLIKO ANG MGA SABIT SA FLOOD CONTROL PROJECT SCAM KAYA LUMALABAS PABIDA LANG NI PBBM NA GALIT SA MGA CORRUPT -- Tinabla ng Malacanang ang panawagan ni ML Partylist Rep. Leila De Lima na isapubliko na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang mga pangalan ng mga politician at gov’t. officials na sangkot sa pang-i-scam sa flood control projects, kasi ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ay hindi raw gagawin ng Presidente na i-release sa publiko ang mga unverified lists ng mga taong sangkot sa flood control project scam.


May kasabihan na “kapag may usok, may apoy” na ibig sabihin, ‘yung listahan ng mga sangkot sa flood control projects scam na napasakamay na ni PBBM ay sure na sila talaga ang nang-scam sa kaban ng bayan na inilaan sa mga flood control projects kaya’t dapat isapubliko na iyan ng Malacanang.


Pero kung hindi ito isasapubliko ng Palasyo, ibig sabihin niyan ay pabida lang ni PBBM na galit siya sa mga corrupt, boom!


XXX


ERPAT NI MAYOR BASTE NA SI FPRRD ‘DI NAMIGAY NG LIBRENG BIGAS KAYA WALA SIYANG ‘K’ SABIHAN SI PBBM MAMIGAY NG FREE RICE -- Sablay ang atake ni Davao City acting Mayor Baste Duterte kay PBBM na dapat daw imbes na magbenta ng P20 per kilong bigas ay magbigay na lang daw ng libreng bigas ang Marcos administration sa mga mahihirap na Pinoy.


Kaya natin nasabing sablay kasi pinuputakti na naman siya ng pamba-bash sa social media sa kadahilang wala raw “K” magsalita ng ganito si Mayor Baste dahil naging presidente rin ang erpat niyang si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), pero sa anim na taong panunungkulan nito ay hindi naman daw ito namigay ng libreng bigas sa mga maralitang Pinoy, period!


XXX


ANYARE SA MGA TAGA-SAN SIMON, PAMPANGA? MAYOR PUNSALAN LAGING SABIT SA MGA IREGULARIDAD, PERO LAGING IBINOBOTO, IPINAPANALO -- Sikat na naman ang San Simon sa Pampanga matapos dakpin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde nilang si Mayor Abundio Punsalan na nangikil umano ng P80 million sa isang kumpanya.


Kaya sikat na naman dahil ang dalas mabalitang sinususpinde ng Pampanga Provincial Gov’t,. Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) at Office of the Ombudsman ang mayor na ito dahil sa paggawa ng mga iregularidad umano. Una siyang sinuspinde noong Nov. 2020, sinuspinde noong July 2021, pinatawan na naman ng suspension noong Sept. 2023, nasuspinde noong June 2024 at ang latest nga ay nang dakpin ito ng NBI sa kasong extortion nitong Aug. 5, 2025. 


Anyare sa mga majority voters ng San Simon, Pampanga? Alam naman nilang madalas masangkot sa iregularidad, pero lagi pa ring ibinoboto si Mayor Punsalan, tsk!


XXX


PUNA NI ARCH. DAVID, KAPULISAN NANGHUHULI NG NAGSUSUGAL-LUPA NA CARA

Y CRUZ, PERO GOBYERNO WALANG AKSYON SA ONLINE GAMBLING, HINDI RIN HINUHULI ANG GAMBLING LORDS -- Pinuna ni Caloocan Archbishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pag-aresto ng kapulisan sa isang maralitang residente ng lungsod na nagsusugal ng sugal-lupa na cara y cruz, pero ang gobyerno ay walang aksyon sa online gambling, at wala rin daw nahuhuling gambling lords ang mga otoridad.


May punto si Archbishop David sa sinabi niyang iyan, dahil hanggang ngayon ay namamayagpag ang mga online gambling sa social media, at sa Caloocan City mismo kung saan inaresto ang pobreng nagka-cara y cruz, ay wala namang aksyon sina Northern Police District (NPD) Director, Brig. Gen. Jerry Protacio at Caloocan City chief of police, Col. Joey Goforth para dakpin ang gambling lords na sina alyas "Carlo,"  "Oye" at "Edmond" na may raket na jueteng at lotteng sa lungsod, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page