PSC, Champion Awardee ng SEC
ni MC - @Sports | November 13, 2021

Binigyan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Philippine Sports Commission ng Enforcement and Investor Protection Champion award sa ginanap na virtual 85th Founding Anniversary celebration bilang pagkilala sa suporta nito sa inisyatibo ng SEC ngayon taon, particular sa proteksyon ng investor.
Nagpasalamat naman si PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa ibinigay na parangal bilang pagkilala sa partnership ng dalawang ahensiya. Matagal nang magkatuwang ang PSC at SEC sa pag-promote ng maayos na pagmumuhunan hindi lang sa publiko, lalo na sa masisipag na atleta na kadalasa'y target ng scams.
Mismo ang PSC ang nanguna sa paglahok nina Tokyo Olympics Medalists Carlo Paalam, Nesthy Petecio, at Eumir Marcial bilang Investor Champions sa SEC’s 2021 Investor Protection week.





Comments