top of page

Proud na idinispley sa vlog… IVANA, P2 M CASH ANG MOTHER'S DAY GIFT SA INA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 18, 2024



Showbiz Photo
Photo: YouTube / Ivana Alawi

Kinabog ni Ivana Alawi ang pa-Mother’s Day gift ng ibang celebrities sa regalong ibinigay niya sa kanyang ina na si Fatima Marbella.


Tumataginting na dalawang milyong piso lang naman (at cash!) ang sorpresang regalo niya sa ina para sa Mother’s Day celebration.


Ibinahagi ni Ivana sa kanyang vlog sa YouTube channel ang kasiyahang naramdaman ng ina pagtanggap ng regalong P2M.


Siyempre, ang corny naman kung basta na lang iaabot ni Ivana ang P2M cash gift niya sa ina. 


For the sake of her YouTube channel, may challenge muna na kailangang kaharapin ni Mommy Fatima bago niya nakuha ang dalawang milyong piso.


Ang challenge ay kailangang mamingwit ng 10 isda ang ina ni Ivana. At kapag nagawa niya ang challenge, saka ibibigay sa kanya ang P2M. 

Pagkatapos ay nagbigay-pugay si Ivana sa kanyang ina sa lahat ng sakripisyong ginawa para sa  kanya. 


Pahayag ni Ivana sa kanyang vlog, "'Yung pagbabalik ng pagmamahal sa ina ay walang katumbas 'yun, so whether P10,000, P5,000, kung ano'ng galing sa puso n'yo. 


“Pero siyempre kasi si Mama, nandoon siya noong walang-wala ako, noong hindi ako nakukuha sa pag-aartista.”


Payo naman ng ina ni Ivana sa ibang momshies, "Sa mga nanay diyan, basta itinanim n'yo nang maganda ay maganda rin ang ani.”


Bukod sa P2M ni Ivana, may natanggap din na regalo si Mommy Fatima galing sa iba pa niyang mga anak.


Last year, tinupad ni Ivana ang dream ng kanyang ina na makapunta sa Paris, France.


Anyway, tuluy-tuloy ang pakikipaglaban sa buhay ng karakter ni Ivana sa Batang Quiapo kasama si Coco Martin bilang si Tanggol.


Mapapanood ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z Channel 11, Kapamilya channel at sa iba pang streaming platforms ng ABS-CBN. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page