top of page
Search
  • BULGAR

Proud na gumanda naman… GIGI DE LANA, AMINADONG RETOKADA BYUTI!

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 2, 2021



Isa sa mga pangalang pinag-uusapan at gumagawa ng ingay ngayon sa music industry ay si Gigi de Lana at ang banda nilang GG Vibes.


Unang pinag-usapan at nag-trending sa sariling rendition ng kantang Bakit Nga Ba Mahal Kita na unang pinasikat ni Roselle Nava, iba ang naging atake ni Gigi sa naturang kanta kung saan may bersiyon din ang ibang singers natin gaya nina Angeline Quinto, Jake Zyrus at iba pa.


Ang nakakatuwa kay Gigi, bukod sa maganda niyang boses ay ang pagiging totoo at prangka nito.


Nang tanungin ang singer kung ano ang isa sa pinakamatinding pamba-bash na natanggap na niya mula sa ilang netizens, nagkuwento ito na sinabihan siya ng isang basher na plastic na nga ang mukha niya ay plastic pa ang pagkatao at pag-uugali niya.


May nagsabi rin sa kanya na pangit siya at retokada kaya 'di na napigilang sagutin ni Gigi ang basher na gusto ba nitong magpagawa at ire-refer niya sa nagretoke sa kanya?


Kuwento ng singer ay mahusay ang doktor na gumawa sa kanya at 'di niya ikinahihiya na isa siyang produkto ng "salamat po, dok."


Kung ang iba ay ayaw umamin na nagparetoke, katulad ni Angeline Quinto ay walang pretensiyon si Gigi na aminin na may mga ipinabago siya sa mukha kung saan maganda naman talaga ang pagkakagawa at bumagay sa kanya.


Sa ganda ng boses, husay ng banda at malalim na samahan ng bawat isa sa grupo, naniniwala kami na malayo ang mararating ni Gigi at ng kanyang banda kung ipagpapatuloy at magiging pokus sila sa kanilang career at 'di magwawatak-watak na kadalasang kinauuwian ng mga sumikat na banda sa bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page