top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | September 29, 2026



INSIDER - KRIS AT KATRINA, UMAMING NAGKABALIKAN NA-FB Katrina Halili P.

Photo: FB / Katrina Halili P.



Kumpirmadong nagkabalikan na sina Kris Lawrence at Katrina Halili pagkatapos ng labindalawang taong paghihiwalay. 


Ang mismong anak nilang si Katie ang nagbalita na naganap pala ito noong September 13, pagtungtong ng alas-dose ng hatinggabi.


Nag-post naman sa kanyang Facebook (FB) account si Kris na nagsasabing nagkabalikan na nga sila ni Katrina. 


Sey ng singer (as is), “New Chapter: I told you I gotchu (got you), and I meant that. No need to rush anything... One step at a time, enjoying where this takes us. All I know is I’m happy... KAMI NA bahala where this new chapter takes us.”


Nag-upload naman kagabi si Katrina ng YouTube (YT) video ng kanilang pamilya na may pamagat na It's Official!?. Sa YT vlog ay makikita na nakaupo sina Kris at Katrina sa kama, habang nasa likuran nila si Katie na siyang nagkumpirma ng kanilang relasyon.


Tila nag-iiwasan pa sila na magsabi nang biglang sumigaw ang anak na nagkabalikan na ang dalawa. Nagtanong pa si Katrina kung sila na ba, na agad namang sinagot ni Katie ng “Opo.”


Tinanong din ni Katrina kung nakita ba ni Katie na nagkabalikan sila. Agad naman itong sumagot ng “Opo” dahil nakikita silang nagki-kiss at nagkikilitian.


Ayon pa kay Katie, pumayag siyang magkabalikan ang mga magulang dahil “mag-asawa” naman ang mga ito. 


Dito ay sabay na nagsabi ang dalawa ng “Surprise! Kaming dalawa na.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng saya sa pagbabalikan nina Katrina at Kris dahil buo na ngayon ang pamilya nila. Marami rin naman ang hindi na nagulat sa kumpirmasyon at inasahan na sa pagbabalikan talaga mauuwi ang lahat kung ang pagbabasehan ay ang presensiya ni Kris sa buhay ng kanyang mag-ina.


Noong nakaraang 17th Star Awards for Music ay si Katrina ang tumanggap ng Male R&B Artist of the Year award na napanalunan ni Kris, na hindi nakarating dahil nasa ibang bansa ito at may show.





Nagkaiyakan daw sila ni Mother Lily… 

ATE VI, UMAMING FLOP ANG SISTER STELLA L. MOVIE NIYA NOON



Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga Vilmanians ang Hall of Fame Award ni Star for All Seasons-Gov. Vilma Santos-Recto for Movie Actress of the Year sa darating na 42nd Star Awards for Movies sa October 25 na gaganapin sa Winford Resort and Casino.


Ang Star for All Seasons ang kauna-unahang aktres na tatanggap ng Hall of Fame sa nasabing kategorya, kung saan sampung beses na siyang nanalo sa mahusay niyang pagganap sa iba’t ibang pelikula at karakter na ginampanan niya. 


Kabilang sa mga pelikulang ito ay: Pahiram ng Isang Umaga, Anak, The Dolzura Cortez Story, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?, Dekada ‘70, Mano Po III (My Love), In My Life, Everything About Her, When I Met You in Tokyo at Uninvited.


Samantala, nagulat kami sa nakaraang talkback session ng restored movie ni Ate Vi na Sister Stella L. (SSL), kung saan inamin ng aktres na hindi pala kumita ang nasabing pelikula noong 1984.


Ang dahilan ay bomb scare, natakot daw ang mga tao na manood sa mga sinehan, at pulitikal din kasi ang tema ng pelikula na tumatalakay sa welga laban sa mapang-abusong kapitalista.


Pagkukuwento pa ng Star for All Seasons, personal siyang pumunta kay Mother Lily Monteverde na producer ng pelikula at humingi ng paumanhin dahil nag-flop nga ito at dito ay nag-iyakan daw sila. 


Pero hindi man pinalad maging box office hit ay humakot naman sa iba’t ibang award-giving bodies ang pelikula, mga artistang napakahuhusay na gumanap dito at ang direktor na si Mike de Leon, na isa sa pinakamagagaling na direktor ng kanyang henerasyon.


Nang napanood namin nang buo ang pelikula sa 4K high-definition restored version nito ay mas na-appreciate namin ang SSL, na ipinalabas pa sa mga pandaigdigang pagdiriwang tulad ng II Cinema Ritrovato sa Italya.




 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | September 20, 2026



INSIDER - ALWYN, TANGGAP NA MAG-ASAWA NA ULI SI JENNICA_jennicauytingco (IG), alwynzky (IG)

Photo: jennicauytingco (IG), alwynzky / IG



Aminado si Alwyn Uytingco na masakit, masalimuot at magulo ang naging paghihiwalay nila ng asawang si Jennica Garcia. 


Ikinasal sila sa isang pribadong Christian ceremony noong 2014 at nagkahiwalay noong 2020, na kinumpirma naman ng aktres noong 2021.


Inirespeto ni Alwyn ang pagbubukas ng saloobin ng misis sa publiko tungkol sa kinauwian ng kanilang pagsasama, pero sa parte niya ay pinili niyang manahimik at sarilinin ang mabigat na pinagdaanan. 


Isa sa mga naging pahayag noon ni Jennica ay ang kakulangan daw ng kakayahan ni Alwyn na ibigay ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya, lalo na sa kanilang dalawang anak na babae.


Aminado ang aktor-assistant director na nasaktan siya tungkol dito, pero sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay inayos niya ang sarili. 


Sa ngayon, sa abot ng makakaya lalo’t ang trabaho niya ay off-cam bilang assistant director ay pinipilit niyang kayanin ang lahat para magampanan ang responsibilidad bilang ama.


Samantala, labis na nagpapasalamat si Alwyn na maayos ang co-parenting arrangement nila ni Jennica, kung saan bukas lagi ang komunikasyon nila para sa mga anak. 

Hindi naman nila itinago na hindi naging madali ang lahat sa umpisa at dumaan sa mahabang proseso bago naayos ang lahat. Hindi man nagkabalikan sa kabila ng ilang beses nilang pinilit na ayusin ang kanilang pagsasama, tanggap na ni Alwyn na may mga bagay talagang dapat nang matuldukan.


Nagpakatotoong inamin niya sa amin na hindi nawala ang pagmamahal, pag-aalala at respeto niya sa dating misis at lagi niyang hiling ay magtagumpay si Jennica sa anumang ginagawa nito. 


Well, single si Alwyn at prayoridad niya ang kapakanan ng mga anak. Tanggap na rin niya kung sakaling makatagpo ng bagong pag-ibig si Jennica at magiging masaya siya sa kung ano ang makapagpapaligaya sa dating asawa.


Kasama si Alwyn sa dalawang full-length entries para sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 — sa Patay Gutom (PG) bilang assistant director, at sa Wantawsan ay isa siya sa mga support. 


Sa PG, ang mga direktor niya ay sina Direk Carl Joseph Papa at Ian Pangilinan, na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Cris Villanueva.

Sa Wantawsan naman bilang support ay makakasama niya sina Joross Gamboa at Rita Daniela sa ilalim ng direksiyon ni Joseph Abello.





PAGKATAPOS ng tagumpay ng revival song niyang Yakap, na unang pinasikat noong 1979 at composed nina George Canseco, Junior at Fernando Egea, tiyak na aabangan at magiging paboritong awitin na naman ng mga mahilig sa musika ang kantang I Love You, Boy, na unang pinasikat ni Timmy Cruz na ire-revive muli ng Revival King na si Jojo Mendrez.


Tiyak na lilikha ng kontrobersiya ang kanta dahil nagkaroon ng diskusyon ang nasa likod ng hit song kung dapat bang panatilihin ang titulo nitong I Love You Boy o palitan ang ‘Boy’ ng ibang salita. Pero sa kalaunan ay napagdesisyunan na manatili sa orihinal nitong titulo, na isa sa mga naging paboritong awitin nang i-release ito noong 1987.


Sa sarili niyang interpretasyon ng kantang Yakap at Somewhere in My Past, ramdam ang labis na emosyon ni Jojo sa pagkanta ng mga ito. Tiyak na marami rin ang makaka-relate sa revival niya ng I Love You Boy.



 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | September 10, 2026



Baron Geisler at misis - IG

Photo: Baron Geisler - IG



Maraming netizens ang nakapansin na in-unfollow na ng mag-asawang Baron Geisler at Jamie Evangelista ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram (IG) account. 

Gayunman, patuloy ang pag-upload ng dalawa ng mga larawan ng anak nilang si Tali.


Noong nakaraang selebrasyon ng Linggo ng Wika ay nag-upload sila ng mga larawan, pero kapansin-pansin na hindi sila magkasama sa mga pictures.


Nagsanga-sanga na ang mga balita mula sa IG posts ni Jamie, na nu’ng una’y tungkol sa pagre-relapse ng aktor at kailangan umanong magpa-drug rehab, at kamakailan naman ay tungkol sa isang amo na katabing matulog ang alalay.


Sa nakaraang interview kay Nadia Montenegro ay nabanggit nito na binawi niya ang anak na si Sophia mula sa poder ni Baron dahil sa problema ng pamilya nito.


Nawa’y malagpasan ni Baron ang mabigat na sitwasyong kinasusuungan sa ngayon dahil isa siya sa mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon.





Nautangan ng P50 M ng ex-BF, ‘di na naghabol…

SACHZNA, MAY BAGO NANG DYOWANG CEO



Agad na pinabulaanan sa amin ni Sachzna Laparan ang kumalat na balita sa social media na bayad na raw ang P50 milyon na utang sa kanya ng ex-boyfriend na si Mark Pascual. 


Nag-post din ang vlogger-actress sa kanyang Facebook (FB) account na walang katotohanan ang nasabing balita. May hiling din si Sachzna sa media na sana ay magberipika muna ng mga ipa-publish na balita at siguraduhin na hindi ito fake news.


Consistent pa rin ang vlogger-actress sa pagsasabing hindi niya hinahabol ang P50M na utang sa kanya ng dating kasintahan dahil alam ni Sachzna na wala itong kakayahan na bayaran ang obligasyon sa kanya.





Sa ngayon ay masaya na siya sa piling ng bagong non-showbiz-businessman boyfriend na si Renz Calvin Estrella. CEO ng isang sikat na lending business sa bansa ang 33-year-old na binata. 


Ayon kay Sachzna, nagkakilala sila ng BF dahil sa kanyang business partner na kaibigan naman ni Renz at hindi nga nito alam na artista siya at isang sikat na content creator.


Sa mga nagsasabi na ang bilis niyang naka-move on at pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon, ipinaliwanag sa amin ni Sachzna na sa loob ng isang taon ay nasa silent quitting na siya, kung saan bilang isang babae ay alam na niya na sa hiwalayan ang punta ng relasyon nila ng ex-boyfriend at inuubos na lang niya ang pagmamahal niya rito.


Well, nasa getting-to-know stage pa lang sila ng kasalukuyang boyfriend at  mas kinikilala pa ang isa’t isa, bagama’t naipakilala na rin daw nila ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya.


Samantala, sa tanong namin kung ano ba ang aral na natutunan niya sa nakaraang relasyon na ia-apply niya sa bagong relasyon, para kay Sachzna, ito ay huwag magbigay nang sobra-sobra at pabiro rin niyang sinabi sa amin na huwag magpautang ng P50M.


Hiningan din namin siya ng reaksiyon sa naging interview ni Angelica Jones sa mga programang Your Honor (YH) at Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan sinabi nito na masama ang loob niya kay Sachzna dahil bukod sa hindi ito nagpaalam sa kanila ni Lito Camo nang i-revive ang kantang Ms. Flawless noong 2019 ay inisnab siya ng vlogger sa isang event na pareho nilang dinaluhan.


Paliwanag sa amin ni Sachzna, kasama ang ina na si Mommy Tine ay personal silang nagpaalam kay Lito Camo na siyang composer ng kanta para magamit sa ginawang music video kasama ang Beks Batallion at ang direktor ng kanilang team ang nakipag-ugnayan kay Angelica para magpaalam dito.


Dapat nga ay kasama ito sa music video at magkaka-cameo sana rito, pero tumanggi ang politician-actress dahil may posisyon na nga ito sa lalawigan ng Laguna.


May pagpapalitan ng mga mensahe si Angelica at ang nasabing direktor at ito na rin ang humintong sumagot sa mga mensahe sa ‘di nila malamang dahilan.


Para kay Sachzna, alam niya na ginawa ng team niya ang trabaho ng mga ito para magpaalam at siya naman bilang isang artist.


Sa isyu naman na hindi niya pinansin si Angelica nang magkita sila sa isang event ng mga CEO noong 2023 o 2024, ipinaliwanag sa amin ni Sachzna na nasa magkaiba silang lamesa kaya hindi sila nagkaroon ng tsansa na magbatian, bukod pa sa pormal ang naturang event para roon sila mag-usap.


Dagdag pa sa amin ng content creator, nakarating na sa kanya noon sa mga interviews kay Angelica na galit na galit ito sa kanya at hindi niya alam kung paano ito ia-approach, lalo’t kabi-kabila ang pambu-bully na tinatanggap niya noong mga panahon na ‘yun.


Sa tanong namin kung handa ba siyang magpasalamat at humingi ng tawad gaya ng sinabi ni Angelica na gusto niyang gawin ni Sachzna, handa naman ang content creator na humingi ng tawad kung na-offend niya ito at magpasalamat.


Gusto nga ni Sachzna ay mangyari ito nang personal, walang kamera, lalo’t ayaw niya ng kaaway o may kasamaan ng loob.


Itinext namin si Angelica kung okay lang ba sa kanya na ibigay ang number niya para ma-text siya ni Sachzna, pero wala pang sagot sa amin ang actress-politician.

Naniniwala kami na darating din ang panahon na makakapag-usap at magkakalinawan ang dalawa, kapag handa na ang magkabilang panig.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page