Proud daw sa mga local products pero… HEART AT PADIR, TODO-SHOPPING SA TATE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 01 , 2021

Nasa Los Angeles, California, USA ngayon si Heart Evangelista kasama ang kanyang daddy na kanyang shopping buddy. Nag-e-enjoy ang mag-ama sa pag-iikot sa mga malls at mga sikat na designer boutique.
Tapos na tapos na ni Heart ang rom-com serye niyang I Left My Heart In Sorsogon kaya hindi niya kailangang magmadaling umuwi ng 'Pinas.
Feeling fulfilled din si Heart ngayong natupad na ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng sariling kumpanya. Magkatulong sila ng kanyang Ate Camille Ongpauco sa pagtatayo ng kanilang wellness and beauty business.
Samantala, maganda ang feedback sa seryeng I Left My Heart In Sorsogon. Malaki ang naitulong ng serye upang maipakita sa lahat ang malaking pagbabago ng lalawigan ng Sorsogon na si Chiz Escudero ang kasalukuyang gobernador.
Sakaling mahalal na senador sa 2022 elections, iiwan ng mister ni Heart ang Sorsogon na asensado na at nakilala na abroad ang mga native products ng lalawigan. Proud si Heart sa mga bags and handicrafts ng Sorsogon.





Comments