top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Prosekusyon, atras na sa paglalantad ng bank accounts ni VP Sara, mukhang sasablay??

Writer: BULGAR
BULGAR
60 minutes ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 30, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


NOONG UNA, PALABAN ANG PROSECUTION PANEL NA ILADLAD ANG MGA SINASABING BANK ACCOUNTS NI VP SARA, PERO KALAUNAN BINAWI NILA — Binawi ng prosecution panel ang nauna nitong hiling na puwersahin si Vice President Sara Duterte na kilalanin ang mga sinasabing bank accounts nito na ipinasusumite sa impeachment court.


Noong una, palaban sa isyung ito ang prosecution panel, pero ngayon atras na.

Maaaring may pangamba ang prosecution panel na sumablay sila sa mga sinasabing bank accounts ni VP Sara, na baka kapag nailadlad na ang mga ito ay mapag-alamang hindi pala pag-aari ng Bise Presidente ang lahat ng bank accounts na ipinasusumite nila sa impeachment court, boom!


XXX


DAPAT RESOLBAHIN AGAD NG SC ANG ISYU SA IMPEACHMENT VOTING THRESHOLD SA CONVICTION NI VP SARA — Nanawagan si Sen. Alan Cayetano sa Supreme Court (SC) na resolbahin na ang isyu sa ibinabang impeachment voting threshold sa conviction ni VP Sara.


Dapat lang talagang resolbahin na ito ng SC para malaman  ng taumbayan kung totoong "binaluktot" o hindi ng majority senator-judges ang nakasaad na 2/3 voting threshold na nakasaad sa Konstitusyon, period!


XXX


BASH SA SOCIAL MEDIA ANG AABUTIN NG SANDIGANBAYAN KAPAG PINAYAGAN NILANG MAKAPAGPIYANSA SI CONG. ROMUALDEZ — Humirit si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan na payagan siyang makapagpiyansa sa kinakaharap niyang kasong plunder na may kinalaman sa umano’y pagtanggap niya ng mga maletang may pera mula sa mga bodyguards ng noo'y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.


Naku, huwag magkamali ang Sandiganbayan na pagpiyansahin si Cong. Romualdez kasi, kapag pinayagan nila itong makapagpiyansa, tiyak puputaktihin sila ng pamba-bash ng netizens, boom!


XXX


DAPAT BUMALIK NA AGAD SA ‘PINAS ANG MAG-ASAWANG FORMER SPEAKER LORD ALLAN VELASCO AT ROWENA PARA BIGYAN-LINAW ANG IBINULGAR NI FORMER PAT. GRACIOSO NA TUMANGGAP DAW SA KANILA NG MALE-MALETANG MAY PERA SI VP SARA — Nasa labas ng bansa ang mag-asawang former Speaker Lord Allan Velasco at Rowena nang ibulgar ni former Pat. Rodulfo Gracioso na ang mag-asawang ito na dati niyang mga amo ay madalas siyang utusan na magdala ng male-maletang pera kay VP Sara.


Dapat bumalik agad sa bansa ang mag-asawang Velasco upang bigyang-linaw ang isyu kasi habang nasa bakasyon grande sila ay napuputakti ng batikos si VP Sara sa mga ibinulgar ni Gracioso, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page