AI, SI at ang kinabukasan ng kabataan

ni Ka Ambo @Bistado | September 29, 2026

Bulilyaso ang usapan ng US at Iran.
Pwes, tuloy ang oil crisis.
----$$$--
Tuloy din ang pagkabangkarote ng ekonomiya.
Propaganda na lang nga propaganda.
Tsk, tsk, tsk.
----$$$--
Binago ni US President Donald Trump ang termino ng Artificial Intelligence.
Iniutos niya na tawagin itong “SuperIntelligence”.
Malaki ang tama ni Trump.
-----$$$--
NANINIWALA tayo na ang opinyon at aksiyon ni Trump ay hinugot niya matapos siyang makipagpulong sa kanyang mga technological adviser at consultant.
Namamangha sila sa inobasyong ito na hindi nila makokontrol.
-----$$$---
ANG desisyon ni Trump kaugnay ng modernong SuperIntelligence ay aktuwal na description ng binansagang AI.
Sa simula ng pagkakatuklas, iniisip nilang ito ay isang “artificial,” pero ngayong inia-apply na nila at aktuwal na ginagamit, napagtanto nila na ito ay hindi peke, bagkus ay aktuwal na “intelligence” na naimbento ng matatalinong tao.
-----$$$--
SA paggamit ng terminong “AI”, hindi sinasadya, nabibigyan ng negatibong konotasyon, impresyon at pagtrato ang “SI”.
Dahil negatibo, ang mga batas na ginagawa ay upang pigilin ito, imbes na payabungin nang payabungin.
----$$$--
SA pagbabago ng termino, lalabas ngayon na ang “AI” o “SI” ay dapat yakapin at gamitin upang pakinabangan ng tao.
Hindi ito dapat sagkaan o iparalisado, bagkus ay dapat linangin.
-----$$$--
ISANG malaking hamon ito sa hanay ng mga kabataan, dapat sila ang nagdedesisyon kaugnay sa “SI” dahil sila ang makakasama nito sa mga susunod na henerasyon.
Kumbaga, ito ang kanilang “bagong daigdig” o ang tinatawag na “New World” na magsisimula sa susunod na mga dekada.
-----$$$---
HINDI natin dapat hayaaan ang mga gunggong at corrupt na matatanda ang magdesisyon tungkol sa AI o SI, kukurapin lang nila ang implementasyon.
Pagkakakuwartahan lang ng mga tulisan sa gobyerno gamit ang mga “ghost project” na kaugnay nito.
Maunawaan sana ito ng lahat.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments