Property Registration Decree ang batas sa pagparehistro ng lupa
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 17, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aking mga ninuno ay nagmamay-ari ng lupa sa Masbate at ito ay narehistro sang-ayon sa Spanish Mortgage Law. Tumakbo ang mahabang panahon at hindi ito muling naiparehistrong sang-ayon sa kasalukuyang batas. May bisa pa ba ang titulo ng aming mga ninuno? – Sarah
Dear Sarah,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Section 3 ng Presidential Decree (P. D.) No. 1529, o mas kilala bilang “Property Registration Decree,” ang mga lupang nairehistro noong unang panahon ay hindi na kinikilala kung ito ay hindi naipatala sang-ayon sa kasalukuyang batas. Ayon sa nasabing batas:
“Section 3. Status of other pre-existing land registration system. The system of registration under the Spanish Mortgage Law is hereby discontinued and all lands recorded under said system which are not yet covered by Torrens title shall be considered as unregistered lands.
Hereafter, all instruments affecting lands originally registered under the Spanish Mortgage Law may be recorded under Section 113 of this Decree, until the land shall have been brought under the operation of the Torrens system.
The books of registration for unregistered lands provided under Section 194 of the Revised Administrative Code, as amended by Act No. 3344, shall continue to remain in force; provided, that all instruments dealing with unregistered lands shall henceforth be registered under Section 113 of this Decree.” (Binigyang-diin)
Malinaw sa nabanggit na batas na kinakailangan na maitala sa kasaluluyang sistema ang lupa ng inyong mga ninuno upang mabigyan ng panibagong titulo. Kung ito ay hindi nagawa, ikokonsidera ang nasabing lupa na hindi rehistrado at kinakailangang muling iparehistro sang-ayon sa ating kasalukuyang batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments