top of page

Promissory estoppel, maaaring gamitin sa labor money claims

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9
  • 4 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 9, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May tanong ako tungkol sa mga “money claims” ng kapatid ko laban sa kumpanyang pinasukan niya ng halos 20 taon. Siya ay nagbitiw sa trabaho nang hindi kusang-loob dahil sinabi sa kanya ng pangulo at CEO ng kumpanya na nalugi sila bunga ng kakulangan sa “demand” sa merkado.


Sa kanyang pagbibitiw noong Nobyembre 2019, mayroon siyang hindi pa nababayarang sahod at 13th month pay. Hindi rin siya nabigyan ng separation pay. Pagkatapos ng kanyang pagbibitiw, agad siyang humingi ng bayad para sa mga singilin niya sa kumpanya, pero ang sagot sa kanya ay uunahin diumano muna nilang bayaran ang mga rank-and-file employees, at saka pa lamang babayaran ang kapatid ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nababayaran kaya nagsumite na siya ng reklamo laban sa kumpanya.


Ang depensa ngayon ng kumpanya ay paso na diumano ang mga money claims ng kapatid ko, at hindi na ito puwedeng ihabol dahil diumano ay dapat na isinampa ito sa loob ng tatlong taon mula nang lumitaw ang karapatan para maghabol. Maaari ba ninyo akong paliwanagan ukol dito? Maraming salamat sa inyong tugon. — Lorelei



Dear Lorelei,


Ang Labor Code ng Pilipinas ay nagbibigay ng isang komprehensibong balangkas para sa pangangalaga sa mga karapatan ng isang manggagawa, kabilang na ang mga probisyon para sa pag-aayos ng mga “money claims” na nagmumula sa ugnayang manggagawa at amo. Kasama sa mga claim na ito ang hindi nabayarang sahod, benepisyo, at iba pang kabayarang dapat matanggap ng isang empleyado.


Ayon sa Artikulo 306 ng ating Labor Code:


ARTICLE 306. [291] Money Claims. — All money claims arising from employer-employee relations accruing during the effectivity of this Code shall be filed within three (3) years from the time the cause of action accrued; otherwise they shall be forever barred. 


All money claims accruing prior to the effectivity of this Code shall be filed with the appropriate entities established under this Code within one (1) year from the date of effectivity, and shall be processed or determined in accordance with the implementing rules and regulations of the Code; otherwise, they shall be forever barred.”


Malinaw sa nasabing probisyon na ang mga money claims sa ilalim ng Labor Code ay kinakailangang maisampa sa loob ng tatlong taon mula sa panahong nagsimula ang dahilan ng paghahabol (cause of action).


Gayunpaman, napagpasyahan ng Korte Suprema sa kasong Accessories Specialist vs. Albanza (G.R. No. 168985, Hulyo 23, 2008, na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Antonio Eduardo Nachura), na kinilala bilang isang pagbubukod o exception sa patakarang ito ang prinsipyo ng “promissory estoppel”:


In light of these circumstances, we can apply the principle of promissory estoppel, which is a recognized exception to the three-year prescriptive period enunciated in Article 291 of the Labor Code. Promissory estoppel may arise from the making of a promise, even though without consideration, if it was intended that the promise should be relied upon, as in fact it was relied upon, and if a refusal to enforce it would virtually sanction the perpetration of fraud or would result in other injustice. Promissory estoppel presupposes the existence of a promise on the part of one against whom estoppel is claimed. The promise must be plain and unambiguous and sufficiently specific so that the court can understand the obligation assumed and enforce the promise according to its terms. In order to make out a claim of promissory estoppel, a party bears the burden of establishing the following elements: (1) a promise was reasonably expected to induce action or forbearance; (2) such promise did, in fact, induce such action or forbearance; and (3) the party suffered detriment as a result. 


All the requisites of promissory estoppel are present in this case. Jones relied on the promise of ASI that he would be paid as soon as the claims of all the rank-and-file employees had been paid. If not for this promise that he had held on to until the time of his death, we see no reason why he would delay filing the complaint before the LA. Thus, we find ample justification not to follow the prescriptive period imposed under Article 291 of the Labor Code.”


Sa sitwasyon ng iyong kapatid, maaaring ilapat ang prinsipyo ng “promissory estoppel.” Siya ay naniwala at umasa sa pangako ng kumpanya na siya ay babayaran pagkatapos mabayaran ang mga singilin ng lahat ng mga rank-and-file employees sa kanilang kumpanya. Kung hindi dahil sa pangakong iyon, wala namang ibang nabanggit na dahilan kung bakit niya ipinagpaliban ang pagsasampa ng kanyang reklamo. Dahil sa nasabing pangako, lumipas ang karapatan ng iyong kapatid na maghabol laban sa kanyang dating employer. Dahil dito, maaaring may sapat na batayan at katarungan upang hindi ipatupad ang tatlong taong prescriptive period ng paghahabol na nakasaad sa ating Labor Code.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page