Produ ng movie, kumanta… BEA, MAY MGA 'DI MAKATWIRANG DEMANDS
ni Nitz Miralles @Bida | October 01, 2023

Nasa Europe ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque for a vacation.
Hindi aware si Bea na may isyu sa kanya rito tungkol sa ginawa niyang pelikula na 1521.
Pagbalik na lang siguro ni Bea sasagutin (kung sasagutin man niya) ang sinabi ng producer na may mga ‘unreasonable demands’ siya sa shooting.
Ang mga demands daw ni Bea ang rason o magiging rason para hindi siya tumulong sa pagpo-promote ng movie. Pero, sa November pa yata ang showing ng pelikula, may enough time si Bea to promote 1521.
May nasulat kasi na disappointing ang experience ni Bea sa shooting ng movie at sinagot ito ng representative ng producer. On the other hand, tama ang comment ng isang netizen na bad publicity is still publicity. Kahit hindi pa nagsisimula ang promo ng movie, pinag-uusapan na.
Samantala, pumapasok na ang conflict sa story ng Love Before Sunrise sa pagitan nina Stella (Bea) at Atom (Dennis Trillo). Papasok na rin si Czarina (Andrea Torres) sa series at ang mga ito ang magbibigay ng ‘sipa’ sa story para mas subaybayan pa.





Comments