top of page

Pribilehiyo ng mga cultural property sa ‘Pinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 25
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 25, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Maitanong ko lamang kung may angkop na pribilehiyo ba kung ang isang ari-arian ay maihahayag na cultural property rito sa ating bansa? Salamat sa inyong magiging tugon sa aking katanungan. -- Kimmie



Dear Kimmie,


Matatagpuan ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 6 at 7 ng Republic Act (R.A.) No. 11961, o “National Cultural Heritage Act of 2009”, na nagsasaad na:


Section 6. World Heritage Sites.- x x x.


Section 7. Privileges for Cultural Property. - All cultural properties declared as Grade I or Grade II Level shall be entitled to the following privileges:


  1. Priority government funding for protection, conservation, and restoration;

  2. Incentive for private support of conservation and restoration through the Commission’s Conservation Incentive Program for Grade I and Grade II Level cultural properties;

  3. An official heritage marker to be placed by the pertinent cultural agency indicating the official designation of the cultural property;

  4. Priority government protection for all Grade I or Grade II Level cultural properties in times of armed conflict, natural disasters, and other exceptional events that endanger the cultural heritage of the country; and

  5. Priority protection from modification or demolition resulting from all government projects. Government projects that may potentially affect the integrity of any Grade I or Grade II Level cultural property must consult with the Commission at the planning stages.”


Masasagot ang iyong katanungan ng nasabing batas dahil malinaw na nakasaad dito ang mga pribilehiyo na matatanggap ng mga inihayag na Grade I o Grade II Level na cultural property sa bansa.


Para rin sa kaalaman ninyo, nakasaad sa Seksyon 3(r) ng R.A. No. 11961 ang ibig sabihin ng cultural property na:


Section 3. Definition of Terms. - For purposes of this Act, the following terms shall be defined as follows: x x x


(r) ‘Cultural property’ shall refer to all products of human creativity by which a people and a nation reveal their identity, including churches, mosques and other places of religious worship, schools, and natural history specimens and sites, whether owned publicly or privately, movable or immovable, or tangible or intangible; x x x


Nakasaad sa batas na ang isang Grade I o Grade II Level na cultural property ay may pribilehiyo na magkaroon ng prayoridad sa pondo mula sa gobyerno para sa proteksyon, pangangalaga, at panunumbalik nito. Maliban dito, maaari rin itong magkaroon ng isang opisyal na heritage marker na ilalagay ng naaangkop na ahensyang pangkultura bilang opisyal na pagtatalaga ng bilang cultural property. Ang mga cultural properties ay magkakaroon din ng prayoridad sa proteksyon mula sa pamahalaan sa panahon ng armadong labanan, natural na sakuna, at iba pang pambihirang kaganapan na maglalagay sa panganib sa kultural na pamana ng bansa.


Ang mga nabanggit na pribilehiyo ay alinsunod sa polisiya ng batas, na nag-uutos sa pamahalaan na tiyaking pangalagaan, payabungin, at itaguyod ang kulturang Pilipino. Naaayon din ito sa Konstitusyon ng Pilipinas na nag-uutos sa Estado na pangalagaan, paunlarin, itaguyod, at itanyag ang makasaysayan at kultural na pamana ng bansa, gayundin ang mga likhang sining. Isinasaad pa nito na ang lahat ng masining at makasaysayang kayamanan ng bansa ay bumubuo sa kayamanan ng kultura ng bansa, at dapat nasa ilalim ng proteksyon ng Estado. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page