top of page

Aabot daw sa 1,200 katao ang makakalaboso sa flood control scam, nasaan na?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 53 minutes ago
  • 3 min read

ni Ka Ambo @Bistado | November 28, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Itinuturing ng ilang grupo na ang kilos-protesta sa Linggo sa Luneta, na tinawag na “Baha sa Luneta 2.0” o Part 2 — ay isang panlilinlang.

Hindi dapat gamitin dito ang “Part 2” — dahil hindi naman ito inorganisa ng Iglesia ni Cristo na naglunsad ng “mobilization for transparency and accountability.

----$$$--

OPO, ang Nov. 30 protest sa Luneta ay inorganisa ng maka-kaliwang grupo o mga leftist community.

Lipas ang mga isinusulong na “godless ideology” taliwas sa isinusulong ng mga religious group.

----$$$--

ANG delikado rito ay ang pagbubunsod ng pagpapabagsak ng gobyerno — pagtanggal kay PBBM at mismo kay VP Sara, gamit ang marahas na maniobra.

Ibinababala ng ilan na posibleng humiwalay ang ilang pangkat upang dumiretso sa Mendiola kung saan maghahasik ng kaguluhan upang makanakaw ng atensyon ng international press.

----$$$--

ACTUALLY, dalawa ang political rallies sa Linggo -- Bonifacio Day: Isa ang “Trillion Peso March”, at ikalawa ang “Baha sa Luneta 2.0”.Ang “Trillion Peso March Part 2” ay inorganisa ng Trillion Peso March Movement (TPPM) na binubuo ng religious groups ng Catholic Church, civil society at sectoral organizations, at iba pang moderate circles.

----$$$--

ANG “Baha sa Luneta 2.0”, ay kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ng Communist Party of the Philippines (CPP) na may mithiing ibagsak ang pamahalaan.

Kasama rito ang Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) na tutol sa constitutional process of succession.

Pero ito ay binasura nina Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Dumaguete Bishop Julito Cortes.

----$$$--

MISMONG si PBBM ang nagbunyag ng flood control projects scam kung saan nilinaw ni ICI Commissioner Rogelio Singson na aabot sa 1,200 katao ang makakalaboso.

Kaugnay ito ng 80 anomalous flood control projects na pinangalanan mismo ng Pangulo.

---$$$--

DAPAT na maging mapagmatyag ang lahat dahil marami ang sumasawsaw at nagbabalatkayo kaugnay sa isyu ng malawakang corruption sa pamahalaan.

Matuto tayo na unawain ang mga isyu dahil nagsasapawan ng eksena ang mga bida, kontrabida at mga “dakilang extra”.

----$$$--

ISANG muntik nang matabunan ay ang desisyon ng Comelec na nag-absuwelto kay ex-Senate President Chiz Escudero sa isyu ng campaign fund donation.

‘Ika nga ni Heart, SEY CHIZ!

----$$$--

ISANG constitutional body ang Comelec at malinaw na hindi ito nagpadala sa pressure at nagdesisyon nang maayos.

Binusising mabuti ang mga argumento at ebidensya — at natukoy nila na mahina ang ebidensya ng mga nagreklamo.

----$$$---

MAHIRAP paniwalaan na sabay-sabay na nagbigay ng kickback ang 100 contractor kay Sen. Chiz.

Hindi naman kasi siya kaalyado ng Malacañang at isa siyang “independent”.

----$$$--

SA totoo lang, takaw-intriga si Sen. Chiz kasi’y isang showbiz star ang kanyang misis.

Sa gitna ng impeachment issue laban kay VP Sara, nanindigan ang dating Senate president na igalang ang proseso na kinatigan naman ng Korte Suprema.

----$$$--

NOON pang 2023, kinulit niya na magpaliwanag ang mga nasa likod ng National Expenditure Program at General Appropriations Act.

Mula committee hearing hanggang privilege speech, binatikos niya ang pagmamaniobra sa budget.

----$$$--

BISTADO na ang mga mismong bumabatikos sa flood control projects insertion, niresbakan upang ilihis ang isyu tulad sa naranasan ni Escudero.

Kumbaga, gasgas na ang estilong ito dahil imbes na magpaliwanag, rumeresbak ang mga ito gamit ang black propaganda upang patahimikin ang naglalantad ng katiwalian.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page