Presyo ng sine, ibinaba para maraming makapanoood… AGA, DENNIS, JULIA-MARICEL, VICE-VIC, PASOK SA MMFF 2026
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 8, 2026

Photo: Aga Muhlach, Dennis Trillo, Julia Barretto, Maricel Soriano, Vice Ganda at Vic Sotto - IG
Opisyal nang inanunsiyo kahapon ng pamunuan ng 52nd Metro Manila Film Festival – sa pangunguna ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes – ang unang apat sa walong pelikulang entries sa gaganaping MMFF 2026 sa Disyembre.
Sa kickoff and announcement na ginawa kahapon sa Greenhills Mall, inanunsiyo na tatlong cities ang magiging hosts ngayong taon ng MMFF – ang Mandaluyong, San Juan at Bacolod City.
Kaya naman, present kahapon sina Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, San Juan Mayor Francis Zamora at Bacolod City Mayor Greg Gasataya bilang suporta sa pagsisimula ng taunang festival.
Dumating din si Ms. Boots Anson-Rodrigo na nag-explain ng mechanics sa pagpili ng mga entries this year.
Hosted by Kaladkaren at Michael Sager, nag-perform sa program ang It’s Showtime Baby Dolls at sina Ralph de Leon, Brent Manalo at River Joseph ng PBB.
Mala-BINI at Sexbomb Girls ang peg ng IS Baby Dolls at in fairness, malakas ang dating ng song nilang Oohh Lala Baby at pati ang tatlong mayors ay napasayaw at napagiling. Haha!
Marami namang kinilig sa kaguwapuhan nina Ralph, Brent at River, kaso may mga nakapunang kailangan pa nilang pakuluan nang konti para lumambot ang katawan nila. Nyahaha!
Anyway, ang masuwerteng apat na entries na napili mula sa 24 na pinagpilian ng pamunuan ng MMFF ay ang sumusunod: Second Miracle in Cell Number 7 na pagbibidahan ni Aga Muhlach at sequel ng 2019 Filipino adaptation ng hit Korean drama; Amir na produced ng GMA Pictures starring Argus Aspiras, Dennis Trillo, Will Ashley, at Glaiza de Castro, mula sa direksiyon ni Zig Dulay; Haunted Carnival directed by Joey De Guzman at pagsasamahan nina Julia Barretto, Fyang Smith, Maricel Soriano, James Reid, at John Arcilla; at ang The Greatest Showdown, directed by Jun Robles-Lana, na first team-up sa movie nina Vice Ganda at Vic Sotto.
Sorpresang dumating kahapon sina Vice at Vic sa kickoff kaya tuwang-tuwa ang mga tao at excited nang mapanood sila sa MMFF sa December.
Samantala, good news ang inihatid ni Chairman Artes dahil sabi nito, "Nagkasundo kami ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na ang presyo ng tickets sa sinehan ay hindi dapat lalagpas ng P299.”
Ito ay para raw mas maraming Pilipino ang makapanood ng sine sa Disyembre at muling maibalik ang interes ng lahat sa panonood ng local films.
Nice one, Chairman Artes!!!
MAY bago na namang song ang isa sa mga favorite singers naming si Ice Seguerra, ang Sa ‘Yo Bumabalik na co-written ng singer-Eat Bulaga! director kasama ang kanyang wifey na si former FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra.
Kasama ang Sa ‘Yo Bumabalik sa Tamang Panahon EP at ilang araw pa lang itong lumalabas ay naka-25,000 streams na.
Released under Fire & Ice Music, ang Sa ‘Yo Bumabalik ang third single sa upcoming EP ni Ice na Tamang Panahon.
Pangatlong kanta na rin ito ni Ice na nag-collab sila ni Liza sa pagsusulat. Ang una ay Natapos ang Lahat at Ikaw Pala ‘Yon na kasama sa Being Ice album.
Ani Liza sa pagsulat ng kantang Sa ‘Yo Bumabalik, “It’s funny how this song came about because I kept asking myself: Kung si Ice ang susulat ng kanta para sa akin, ano kaya ang sasabihin niya? Since he didn’t write the lyrics, I did the next best thing. I became dramatic on his behalf.”
Dagdag nito, “I tried to imagine what he would feel and what kind of song he would write if it were coming from him. I wanted him to sing something that felt honest in his voice, even if the words came from me. So it was part wife privilege, part songwriter experiment, but mostly love.”
Ang Sa ‘Yo Bumabalik ay tungkol sa emosyonal na pagbabalik at ang paghila sa isang taong alam mong dapat mong iwasan, ngunit hindi mo kayang lubos na bitawan.
Ang lalim ng hugot, ‘di ba? Kaya mas mabuti pa, pakinggan na lang natin dahil mas masarap namnamin ang bawat lyrics kapag puno ng emosyon nang kinakanta ni Direk Ice.





Comments