top of page
Search
  • BULGAR

Presidential Spokesperson, binara sa hirit sa lockdown…

POKWANG KAY ROQUE: 'DI BAKASYON ANG NAWALAN KA NG TRABAHO

Julie Bonifacio - @Winner | March 5, 2021





Kinontra ng komedyanang si Pokwang ang paglalarawan ni Spokesperson Harry Roque na nasa "bakasyon" ang mga Pinoy sa panahon ng pandemya.


Pahayag ni Roque, "We have to recover lost time. Napakatagal na po nating nakabakasyon. Let us have faith in our economic team."


Nag-react si Pokwang sa sinabi ni Roque.


"Hindi po bakasyon ang tawag du'n, Sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag 'yung gabi-gabi kasi wala ka nang trabaho? Pa'no na pamilya at pangkabuhayan n'yo? Bakasyon po ba 'yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemya? Kung ganyan ang bakasyon, eh, di ayoko na magbakasyon," reaksiyon ni Pokwang.


Ini-repost ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut sa kanyang Instagram account ang mga pahayag nina Sec. Roque at Pokwang mula sa social media account na Kapamilya Kingdom.


Sa comment section ng IG story ni Eric John ay maraming netizens ang um-agree kay Pokwang.


"Correct po, Ms. Pokwang... ang bakasyon po, masaya.... at nag-e-enjoy. Sa dami ng nawalan ng trabaho, 'di po bakasyon ang tawag doon."


May mga kasamahan din si Pokwang sa industriya na nag-react sa statement ni Sec. Roque. Isa na riyan ang controversial singer-composer at very vocal sa pagkontra sa gobyerno ni President Rodrigo Duterte na si Jim Paredes.


"Sobra siya talaga," comment ni Jim.


Hindi naman pinalampas ni Pokwang ang comment ng isang netizen na nagsabing basahin niya munang mabuti ang statement ni Sec. Roque at 'wag maging sobrang sensitive. At sabi pa nito kay Pokwang, "Don't trigger the bullet that surely will hit you back."


Reply ni Pokwang, "Hindi kami papansin. Sa laki ng tax na ibinabayad namin, nakakapanggigil lang na nasasayang ang pasuweldo!!!! Potah 'wag ako. Kumain ka nga ng utak!"


Hindi rin nagpaawat sa pagsagot kay Pokwang sa reply section ang naturang netizen. Hanggang sa nag-post na rin ng comment si Pokwang bilang huling mensahe sa naturang netizen.


"Hindi ako against sa hangarin na makabalik ulit at makabangon ang ekonomiya!!!!!!! Nauunawaan mo????? Ang nainis ako, sa salitang BAKASYON!!!!! Maraming namatay sa covid at nawalan ng hanapbuhay, BAKASYON???? Kung 'di n'yo ramdam 'yun, baka mas mayaman kayo kay Bill Gates at kay Elon Musk," mensahe pa ni Pokwang.


Pak!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page