top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Preparasyon ng Gilas men's gagayahin ng Gilas women's

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | June 24, 2021




Target ng Gilas Pilipinas women’s team na sundan ang yapak ng Gilas men’s team, sa ginawang preparasyon para makamit ang tagumpay, sa pagbabalik nito sa aksyon ngayong taon matapos ang extended na pamamahinga dahil sa pandemic. Humanga sa performance ng Gilas men’s sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers, sinabi ni Gilas women’s squad mentor Pat Aquino na naghahanda na sila para magdaos ng sariling training camp para sa pagsabak sa international women’s events sa mga paparating na buwan.


“We would like to have the same preparation going into the tournaments. Preparation is the key for success,” ani Aquino. Matatandaang mula Enero ay sinimulan na ng Gilas men’s team, sa pangunguna ni coach at program director Tab Baldwin, ang training nito sa Inspire Sports Academy sa Laguna na naging daan para makamit nito ang 6-0 sweep sa Qualifiers sa Clark kasama na ang dalawang sunod na panalo kontra sa kalabang South Korea.


Hanggang ngayon, nananatili ang Gilas sa Clark para sa non-stop training at tune-up game kontra sa China bago tumulak pa-Belgrade, Serbia para sa pagsabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa June 29-July 4.


Sinisilip ni Aquino ang parehong sakripisyo para sa Gilas women’s team na lalahok sa FIBA 3x3 U18 World Cup, FIBA Women’s Asia Cup at 31st Southeast Asian Games na gaganapin ngayon taon. Huling naglaro ang Gilas women’s noong isang taon pa bago ang pandemic. “I'm just excited to see what leads us to the future. I hope we can start practicing also in our preparation in the coming months,” ani Aquino na makikipag-meeting sa Samahang Basketbol ng Pilipinas para isapinal ang kanilang camp sa Laguna.


Inaasahang mangunguna sa Gilas training pool ay sina veterans Jack Animam, Afril Bernardino at Janine Pontejos na pinangunahan ang bansa sa pagsungkit ng gold medal sa 2019 SEA Games.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page