top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Prangkahan na raw… "ANG PINAKABOBO SA BANSA NATIN AY 'YUNG BOBOTO SA MAGNANAKAW" — PACQUIAO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 4, 2022





Umani ng samu't saring komento mula sa mga Twitter users ang isang video clip ng presidentiable na si Sen. Manny Pacquiao kung saan sinabi niya sa harap ng kanyang mga followers na, "Ang pinakabobo sa bansa natin ay 'yung boboto sa magnanakaw."


Maraming bumilib sa kaprangkahan ni Sen. Manny at natutuwa ang ilang netizens dahil mukhang desidido raw talaga ang boxing champ na tutukan ang korupsiyon sa bansa lalo na ang mga 'magnanakaw sa gobyerno' sakaling siya ang maupong pangulo sa Halalan 2022.


At bagama't walang binanggit na anumang pangalan si Sen. Manny, may ilang supporters niya ang humirit na may pipiyok na naman at magre-react mula sa ibang kampo.


Meron ding nag-comment na 'wag na raw magmalinis si Sen. Manny dahil baka 'pag naupo siyang pangulo sakaling palaring manalo, kainin din siya ng sistema ng pulitika sa bansa.


Oh, well, basta kami, ang hangad na lang namin ay sana, 'yung pinaka-deserving talagang mga pulitiko ang manalo at maupo sa 2022 elections mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang posisyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page