Search
  • BULGAR

Prangkahan na… JULIA, UMAMING 'NAUBOS' KAY JOSHUA KAYA NAGHIWALAY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 23, 2021





Maging si Joshua Garcia ay aminadong sakto raw talaga sa kanila ni Julia Barretto ang kantang Paubaya ni Moira dela Torre kaya naman umoo agad siya nang kausapin ng singer na gawin ang music video nito with his ex-girlfriend.


“Si Moi (Moira) 'yung nag-ask sa akin, eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko 'yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito, ah? Parang saktung-sakto masyado sa amin,’” kuwento ni Joshua kina Enchong Dee at Kim Chiu sa ASAP Natin ‘To last Sunday.


Tinanong ni Enchong si Joshua kung ano ang nagpa-oo sa kanya para gawin ang music video.


“Alam mo, simple lang ang sagot ko riyan. Ang sagot ko riyan is ‘yung friendship namin nina Moi, nina Kuya Jason (Hernandez, Moira’s husband) and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin. Seryoso, totoo 'yun,” sagot ni Joshua.


Tanong ni Kim, “Kayo raw ang nagsulat ng lines ninyo sa music video, gaano katotoo ang linyahang ‘yun sa emosyon ninyo?”


Inamin naman ni Joshua na silang apat ang gumawa ng script.


“May script siya, ‘yun ‘yung guide. Oo, kami 'yung gumawa — ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami 'yung gumawang apat.


“May script siya, siyempre, may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero 'yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman,” paliwanag ni Joshua.


Sa tanong ni Kim kay Joshua kung bakit siya nag-sorry, hindi agad nakasagot ang aktor kaya sinalo na ito ni Enchong at iniba na ang usapan.


Isiningit na ni Enchong ang tanong ng isang fan kung naging madali ba para kay Joshua na makatrabaho ulit si Julia, gayundin si Moira.


“Oo naman. Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot. Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako exciting itong mangyayari.’ Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-sama. Last project naming ginawa na magkakasama is Love You to the Stars and Back, Torete ni Moi,” sagot ni Joshua.


Ang Paubaya music video ay talaga namang talk of the town at ilang araw nang No. 1 trending sa YouTube. Sa kasalukuyan nga ay nasa 19 million na ang views nito sa loob pa lamang ng isang linggo since its release.


Tinatawag din itong closure video at dahil sa naturang MV ay usung-uso nga ngayon ang linyang “Naubos ako” na kasama sa heartbreaking dialogue ni Julia.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.