Pramis na tatagal sila, 'di natupad… RABIYA, NAGING NEGA SA HIWALAYAN NILA NG BF
- BULGAR
- Jun 6, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 06, 2021

Nitong June 4, 2021, makahulugan ang post ni Rabiya Mateo tungkol sa kanyang dasal na sana ay magkaroon siya ng matatag na puso.
Ipinaalala ng isang netizen ang deklarasyon ng Ilongga beauty queen na: "I can make a man stay."
Noong araw ding 'yun, base sa kanyang Instagram stories, kinumpirma ni Rabiya na hiwalay na nga sila ng BF na si Neil Salvacion.
Kasalukuyang nasa US pa rin si Rabiya simula nu'ng Miss Universe competition last May. Umalis siya ng 'Pinas noong Abril para sa Miss U preliminary competitions at para sa ilang preparasyon.
Noong November, 2020, naikuwento ni Rabiya sa isang panayam ang tungkol sa pitong taong relasyon niya kay Neil. Sabi pa ng beauty queen, si Neil ang kauna-unahan niyang BF.
“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend... We’ve been together since college."
Nasabi pa ng beauty queen na, “I can make a man stay!”
May isang netizen na nakisimpatya kay Neil, “Maybe you will find someone who will love you truly, and that girl who will never leave you. @neilow Don't give up. I don't know why you guys broke up, however, I want to remind this girl, @rabiyamateo you chose this path, be ready about your future. And I think you should also apologize to all Filipinos, because you hurt them as well, because of your statement. ‘I can make a man stay.’"
Dagdag ng netizen, “How could you explain it? Your life is now complicated. I am not a fan, however, you should make a good plan for your future I am not saying you should be like @onlyvenusraj well maybe.
“Overall, remember, fame and money is not the real happiness. Find yourself.”
In fairness kay Neil, kahit hiwalay na sila ni Rabiya, dinepensahan pa rin niya ang ex-GF sa mga negatibong komento at panghuhusga ng mga netizens.
Ayon kay Neil, masaya silang pareho ng ex-girlfriend sa kanilang desisyon. At wala raw dapat ipaliwanag ang Pinay beauty queen sa mga Pilipino.
Well, dahil sa kontrobersiyal na love life ni Rabiya, tiyak na mas magiging maingay ang pagpasok niya sa showbiz.
Kaya lang, sana, pagbalik sa 'Pinas ni Rabiya, malinis niya ang kanyang imahe na namantsahan ng kaliwa't kanang intriga at panghuhusga sa kanya ng ilang netizens.





Comments