Post Office “Singing Karteros” magpapakilig sa araw ng mga puso
- BULGAR
- Feb 12, 2023
- 1 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | February 12, 2023

Hello, Bulgarians! Kilig moments ang handog ng Post Office “Singing Karteros” upang surpresang maghatid ng bulaklak, greeting cards at love letters ngayong Araw ng mga Puso.
Patuloy na nag-aanyaya ang PHLPost sa magkakapamilya, magkakaibigan at magsing-irog na subukan ang kakaibang Valentine’s Day gimik na ito upang ibalik ang kakaibang tradisyon ng mga Pilipino, ang harana.
Sa proyektong Express Pada-LOVE, ang customer ay maaari ring mag-preorder ng kanyang napiling ipadala sa “one-stop shop” na nakaistasyon sa lobby ng Manila Central Post Office kung saan makakapamili ng mga bulaklak, tsokolate, greeting cards, stuffed toys, at iba pang Valentine novelties sa abot-kayang halaga.
Ang espesyal na Valentine’s Day service ay available din sa Iloilo City (Area 6), Cagayan De Oro City (Area 8) Tuguegarao City (Area 1), Cebu City (Area 5) at Davao City (Area 7).
Mag book online sa: https://www.facebook.com/profile.php?id=100088016513954 o tumawag sa Mobile No. 0927-2450837 o 8527-01-35 at Kay Ms. Liever Briones sa 0915-9418196.
Sa halagang P2,500 package, puwede nang mapakinggan ang mga awiting inihanda ng mga piling kartero ng PHLPost, kasama na ang mga bulaklak, greeting card at mail delivery sa kanilang napiling petsa ng pagpapadala.
Kasabay din nito ang paglunsad ng 2023 Valentine’s Day “Pupusuan Kita” Stamp at greeting cards sa mala-romantikong Venice Grand Canal Megaworld Lifestyle Mall sa McKinley Taguig City, noong Pebrero 10, sa Ponte Lobby ng naturang mall.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments