top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Post ng aktor, ‘di pinalampas… ALDEN, BINARA NG NETIZEN SA WRONG SPELLING

BULGAR
Apr 26, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 26, 2021




Walang sense of humor ang netizen na nag-react ng “Wrong spelling wrong” sa post ni Alden Richards na: “Stop and... stair.”


Hindi na-gets ng netizen na nagpaka-witty si Alden sa kanyang post dahil that time, nasa hagdan siya nang magpa-picture.


Sumagot tuloy si Alden ng “Wrong spelling go home!” pero sabi ng netizen, nagpaka-witty din siya sa kanyang comment, kaya mabilis natapos ang isyu.


And speaking of Alden, this Monday, ise-celebrate ang second anniversary ng branch niya ng McDonald’s sa Biñan Highway sa Biñan, Laguna.


Simple ang selebrasyon, pero kung walang pandemic, tiyak na masaya ito.


Naalala namin, naimbitahan kami sa opening ng McDo na sinugod ng maraming tao, mga kaibigan ni Alden at supporters. Parang umabot ng one week ang opening dahil araw-araw, marami ang customers.


Samantala, pinasalamatan pala si Alden ng kanyang crew sa McDonald’s dahil sa ayudang kanyang ipinamigay.


Sa post ng naturang crew, may nakita kaming bigas, canned goods, coffee, milk, cooking oil at may alcohol pa yata.


Sabi ng crew, nakain na nila ang iba kaya hindi naisama sa kanyang post.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page