top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pole Vaulter Uy, bronze sa Golden Phuket 2021

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | December 08, 2021





Naibulsa ni Natalie Uy ng Pilipinas ang bronze medal sa Golden Fly Series Phuket 2021 nitong linggo.


Nalundag ng 27-year-old pole vaulter na si Uy ang third place matapos lusutaan ang 4.21 meters kasunod ni winner Holly Bradshaw ng Great Britain (4.51 meters) at Kristen Brown ng United States (4.21 meters).


Matatandaang nasungkit ni Uy ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games at rumehistro ng bagong Games record na 4.25 meters. Huling lumahok si Uy sa kumpetisyon noong July 31 nang magkampeon ito sa Rocket Man Pole Vault Summer Series 2021 Meet No. 9 sa Mooresville, North Carolina nang lundagin nito ang 4.25 meters.


Ang Golden Fly Series ay kaparehong event kung rumehistro si EJ Obiena ng Asian record na 5.93 meters sa isa nitong legs sa Innsbruck noong September.


Samantala, nagbanta ang China na gaganti sa US sa ginawa nitong pag-boycott sa Beijing Winter Olympics dahil umano sa record na paglabag sa human rights.


Ayon sa China magsasagawa sila ng “countermeasures” kung kinakailangan, ayon sa China’s foreign ministry. Tuluyan nang inanunsiyo ng administrasyon ni Biden na hindi lalahok ang US government officials sa 2022 Olympics sa Beijing, ayon sa CNN.


Ang boycott umano ay isang uri ng makasariling desisyon at dapat tigilan para hindi maapektuhan ang ginagawang dayalogo at kooperasyon ng China at US sa mga mahahalagang lugar, ani Zhao Lijian, spokesperson ng China foreign ministry.


Ayon kay US President Joe Biden, kinonsidera nila ang diplomatic boycott bilang pagtuligsa sa human rights record China kasama na ang sinabi ng Washington na isa uri ito ng genocide kontra sa minority Muslims. Matagal nang pine-pressure ng mga aktibista at miyembro ng kongreso ang administrasyon para hindi lumahok sa games.


Sa ngayon, ayaw pang magsalita ng White House kaugnay sa isyu pero ayon sa insider na plano na talaga na hindi papuntahin sa China ang mga US officials para sa Beijing Olympics.


Sinabi naman ni Biden na tuloy pa rin ang suporta nila sa mga US athletes na lalahok sa event.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page