top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pogi lang daw, wa' 'K' namang umarte… PIOLO, GASGAS NA, PINAGSAWAAN NA NG FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 23, 2021




Inilabas na ng Dreamscape ang cast ng bago nilang gagawing teleserye. Isa itong Pinoy adaptation ng Koreanovela na Flower of Evil na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.


Ito rin ang unang proyekto ng singer-actress sa Kapamilya Network.


Sa ibinahaging larawan ng Dreamscape, kasama rin sa cast sina Epi Quizon, Robert Sena, Jett Pangan, Pinky Amador, Kit Thompson, Agot Isidro, Rita Avila at Denise Laurel.


May parte rin sa Pinoy adaptation ng Koreanovela sina Joross Gamboa at Edu Manzano.


Maraming netizens ang natuwa dahil muli raw nilang mapapanood na umaarte si Papa P pagkatapos ng teleserye nila nina Alessandra de Rossi at Arci Muñoz.


Nasasabik na raw silang makitang muli ang guwapong aktor na umaarte sa boobtube.


May komento naman ang ibang netizens sa pagkakasali sa cast ng name ni Pinky Amador.


Dahil sa nangyaring insidente noon sa isang staff ng hotel kung saan tinarayan ito ng stage actress ay nega umano ang dating ni Pinky.


"The super nega Pinky Amador."


Komento naman ng isa pang netizen, "Hindi pa nga ipinalalabas TWOTM (The World of the Married) remake, remake ulit. Nawalan na ba ng creative minds ang ABS writers? Bakit 'and'yan si Epi tapos naka-locked-in sa Voltes V Legacy?"


"'Di lang ABS-CBN, pati GMA-7, puro remake rin, Philippine TV in general."


"Infer, ha? Maganda ang cast, aabangan ko d'yan si Denise Laurel."


Nega naman ang komentong ito para kay Papa P na hindi yata feel ang akting ng guwapong aktor.


"Gasgas na si Piolo. Aminin natin, ano ba ang naiwang tatak ni Piolo sa industriya maliban sa pagiging POGI?! Kit Thompson is a revelation du'n sa La Vida Lena. 2 dekada na si Piolo pero wala akong maalalang tatak niya maliban sa maging pogi."


Well, sa palagay ko po, panoorin ninyo ang Silong movie nila ni Rhian Ramos. Pawang positibong opinyon ang mababasa ninyo dahil ang galing-galing ni Piolo sa movie na 'yun. At nanalo pa ng award si Papa P. bilang aktor para sa kanyang portrayal na bida-kontrabida roon.


Ang FOE ay isang suspense-drama series na tiyak na panibagong susubaybayan ng mga viewers.


Komento pa nga ng iba tungkol sa ibang cast…


"Medyo matagal ko nang napanood 'yung original. Sino si Denise doon, 'yung ate?? Sa mga leads pa ako tagilid. Kung si Kit 'yung psycho, bagay! Du'n lang ako approved. Parang siya lang ang who fits the bill!"


"Taray ni Kit Thompson, sunud-sunod ang mga proyekto."


"He's good naman kasi at 'di maarte. He's also daring kaya 'yung mga roles na ayaw ng conservative young actors, siya ang kinukuha."


"Mas maganda pa casting nito kesa sa Darna."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page