Titser na tulak, huli sa akto

ni Mai Ancheta @News | October 29, 2026

Photo: Ang naarestong public school teacher sa inilunsad na buy-bust operation sa Brgy. Glan-Padidu, Glan, Sarangani - PDEA Davao Region
Arestado ang 44-anyos na public school teacher sa inilunsad na buy-bust operation sa Brgy. Glan-Padidu, Glan, Sarangani nitong Martes, Oktubre 27.
Kinilala ang suspek na si alyas Arnel, itinuturing na high-value individual (HVI) sa anti-illegal drug campaign.
Naaresto ang guro matapos magpanggap na bibili umano ng illegal na droga ang isang pulis sa inilargang buy-bust operation.
Hindi na nakapalag pa si “Arnel” nang dakpin ng mga awtoridad.
Nasamsam sa suspek ang ilang gramo ng hinihinalang shabu at marijuana at isasalang sa pagsusuri para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.





Comments