top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

Pistons at Lakers impresibo, Williams nabalian ng paa

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | October 22, 2026



Kinatay na sa PBA ang Macau Giant Pandas

Photo: Nakakatakot ang nangyari kay Jalen Williams ng Oklahoma City Thunder nang mabalian ito ng bukung-bukung sa 4th quarter ng laban kontra Los Angeles Clippers sa NBA game. (fbpix) 



Nagtala ng mga impresibong panalo ang Detroit Pistons, Los Angeles Lakers, Oklahoma City Thunder, Minnesota Timberwolves at Memphis Grizzlies upang manatiling perpekto sa 3-0 sa NBA kahapon. Pangunahin dito ang bisitang Pistons na tinalo ang dating malinis sa Philadelphia 76ers, 106-93, sa Xfinity Mobile Arena.


Gumawa ng 26 si Cade Cunningham para sa Pistons na lamang sa buong laro para maging nag-iisang koponan sa Eastern Conference na walang talo. Kinulang ang 29 ni Tyrese Maxey at kahit balik-aksyon si LeBron James ay nahinto sa tatlo ang sunod-sunod ng Philly.


Umapoy para sa 52 si Luka Doncic at kasama ang 29 ni Austin Reaves ay tagumpay ang Lakers sa Utah Jazz, 132-123. Matapos maputol ang kanyang 141 sunod-sunod na laro na may 20 puntos o higit mula pa 2024, nagtala ng 34 si MVP Shai Gilgeous-Alexander para buhatin ang OKC kontra LA Clippers, 108-101 pero  nabalian ng bukung-bukung si Jalen Williams ng  Thunder.  


Sumama sa mga 3-0 ang Timberwolves sa 117-94 pagbaon sa Toronto Raptors salamat sa patuloy na bumubuting samahan nina Anthony Edwards na may 26 at LaMelo Ball na may 15. Hindi nagpahuli sa shooting si Ty Jerome at nagtala ng 31 at kabuuang 104 sa unang tatlong laro at nanaig ang Grizzlies sa Sacramento Kings, 123-112.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page