Golden Tigresses dumikit sa SSL Unity Cup Q'finals, UP lumaban pa

by Gerard Arce @Sports News | October 26, 2026

Photo: Umatake si Angeline Poyos ng UST Tigresses laban sa Ateneo Lady Eagles sa labang ito sa SSL Unity Cup. (SSLpix)
Nakaligtas sa pagsubok ang UST Golden Tigresses kontra Ateneo Lady Eagles sa 4th set bago nagtagumpay sa 25-16, 25-20, 21-25, 25-21 habang nakuha ng UP Lady Fighting Maroons ang 21-25, 25-22, 25-22, 25-16 panalo kontra Letran Lady Knights sa magkahiwalay na aksyon sa Round of 8 ng Pool F sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa Imus Sports Complex kahapon.
Pinanghawakan ng UST ang pagkontrol sa unang dalawang sets, bago mawala ang pagkakahawak sa third frame, na kalauna’y nagawan ng paraan sa huling sandali ng fourth set.
“Sa third set, nakulangan kami sa attack variation and 'yung diskarte namin since nababasa na ng kalaban 'yung mga ginagawa namin. 'Yung ginawa naming adjustments sa fourth set is mas sinipagan namin and mas naging mahaba ang pasensya namin sa sarili namin kapag naba-block o nadedepensahan kami,” pahayag ni Tigresses winger Marga Altea, na umiskor ng 15 puntos at 4 kill blocks, upang lumapit sa quarterfinals na may twice-to-beat bentahe.
Tumapos naman si Ashlee Knop ng 12 marka na sinundan ng tig-11 puntos nina Angge Poyos at Regina Jurado. Sumagupa si Jelai Gajero ng UP sa kabuuang 17 puntos na sinundan ni Jenn Gould sa 14 marka habang mainit sa 32 puntos si Kianne Olango ng UP mula sa errors ng Lady Knights.





Comments