Resbakan time! Hahataw uli si Eala sa Pan Pacific Open

by Gerard Arce @Sports News | October 26, 2026

Photo: Alex Eala - IG
Muling masusubok ang katatagan ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala kontra sa low-ranking na katunggali na si World No. 308 Mika Stojsavljecic ng Great Britain sa kampanya sa round of 32 ng WTA 500 Toray Pan Pacific Open sa Ariake Tennis Forest Park sa Ariake, Koto-ku, Tokyo, Japan.
Kasunod ng mga hindi magandang resulta sa Asian Swing para sa 21-anyos na lefty, na hawak ang eight seed sa torneo, nakatuon ang pansin ng World No. 20 na makaharap muli ang isang mababang ranggo na manlalaro.
Bagaman nalampasan si World No. 32 Diane Parry ng France sa first round ng WTA 500 Ningbo International Tennis Open, napatalsik naman ito sa second round kay World No.13 Diana Schnaider, habang nananatiling naghahanap ng mas mataas na puwesto sapul ng 2026 US Open at mapagwagian ang WTA 500 Mubadala Citi DC Open nitong Agosto.
Patuloy na hinahanap ng kanyang mga tagahanga ang mga birada ng two-time WTA 125 titlist matapos daigin ng mga low-ranked players sa huling nagdaang torneo. Nabigo si Eala kay World No. 117 Russian Tatiana Prozorova sa Singapore Open, na sinundan ng pagkatalo sa semifinals kay World No. 91 Wang Xiyu ng China sa 20th Asian Games, habang pinadapa ni World No. 217 Han Shi ng China sa Wuhan Open.





Comments