PIOLO OUT, DIETHER BALIK-DOS
- BULGAR

- Oct 21, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 21, 2020

Inalala ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto ang masasayang sandali nila ng kanyang lola na tinatawag niya bilang kanyang Mama Bob.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Angeline ang isang video kung saan nagkakatuwaan sila ng kanyang glam team habang inaayusan naman si Mama Bob.
“Miss na miss ko naman to sa 'yo Mama Bob (praying and heart emoji),” caption ni Angeline sa video ni Mama Bob na ipinost niya sa kanyang IG account kahapon.
Nakaratay pa rin kasi hanggang ngayon sa sakit ang Mama Bob ni Angeline. Simula nang ipasok niya ang lola sa ospital ay 'di pa rin daw gumaganda ang lagay nito.
Sa gitna ng nararamdamang lungkot ni Angeline sa kalagayan ni Mama Bob, sunud-sunod ang mga projects na ginagawa niya sa ABS-CBN.
Nakapagsimula na siyang mag-taping para sa Kapamilya game show hosted by Luis Manzano, ang I Can See Your Voice. Isa sa mga original ‘sing-vestigators’ si Angeline sa show.
And then, kasama rin siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan ng Gold Squad na binubuo nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz, ang Huwag Kang Mangamba.
Bukod sa pag-arte ni Angeline sa bagong serye, siya rin ang kumanta ng theme song nito. After all, siya naman ang tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs.
Interesting ang mga kasama ni Angeline at Gold Squad sa bagong serye ng ABS-CBN.
Una, dahil sa mga bigating dramatic stars na sina Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Dominic Ochoa, Matet de Leon, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nonie Buencamino at Enchong Dee.
Pangalawa, nagbabalik ang isa sa “orig” Kapamilya leading men na si Diether Ocampo.
Ang tagal ding nawala sa limelight at ABS-CBN ni Diether. Isa siya sa mga pinakapaboritong matinee idols noong late '90s and early 2000, at naging member din siya ng sikat na grupong The Hunks that time.
Sa pagbabalik-Kapamilya, isa na rin siyang ganap na military officer, kaya tiyak na marami ang mga fans ni Diet na matutuwa sa balitang ‘to.
Ironically, kung kailan naman bumalik sa ABS-CBN si Diether, saka tumalon na sa ibang TV network ang kasamahan niya sa The Hunks na si Piolo Pascual.
Chance na rin kaya 'to na makatrabahong muli ni Diet ang dati rin niyang leading lady na si Claudine Barretto na balitang may gagawing project with Piolo?
Let’s see.





Comments