top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

'Pinas para maging competitive, holidays lilimitahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 11, 2024


Boses by Ryan Sison

Para maging ‘mas competitive’ ang bansa, sumang-ayon na ang Senado na limitahan ang pag-apruba ng mga panukalang batas sa mga local holidays. 


Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, nagkasundo sila ng mga kapwa niya senador na i-limit ang mga holiday, na kung susumahin aniya ang bilang ay mahigit isang buwan ang holiday sa buong bansa, kaya ang mga kumpanya at mga manggagawa ay nagiging less competitive.


Binanggit ni Escudero na mayroong mga local holiday sa bawat lungsod, munisipalidad, at lalawigan, bukod pa sa mga pambansa o national holidays at religious holidays. 


Inihalimbawa naman ng mambabatas ang mga holiday sa United States, kung saan ginugunita nila ang lahat ng kanilang mga bayani o kanilang mga pangulo sa loob lamang ng isang araw.


Ani Escudero, mayroon ang Amerika na Presidents’ Day na ang lahat ng magagaling nilang pangulo ay pinagsama-sama nila sa iisang araw na holiday, pero, iba sa Pilipinas dahil may Araw ng Kagitingan, National Heroes’ Day at bawat bayani kapag pinatay sila ay may holiday na naman.


Gayunman, sinabi niyang idadaan pa rin ito sa masusing pag-aaral. 


Ipinahayag din ni Escudero na humiling na siya ng pag-aaral hinggil sa holiday format sa US ngunit aniya, maaaring magdulot ito ng pagkakabaha-bahagi sa mga senador. Subalit, hindi kailangang gawin sa ngayon, ang mahalaga aniya ay nasimulan na natin ang proseso nito.


Ayon sa Proclamation No. 368, na nagdedeklara ng regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2024, mayroong 10 regular holidays sa bansa, habang apat ang special (non-working) holidays. 


Mainam nga sigurong limitahan ang mga holidays na ipinagdiriwang sa ating bansa at itinatakdang walang pasok.


Dito kasi nagkakaroon ng double pay para sa mga piling empleyado kapag sila ay pumasok na dagdag sa babayaran naman sa kanila ng mga employer. 


Mas marami rin ang pahinga ng ibang manggagawa na kung titingnan ay nababawasan naman ang pagiging competitive nila.


At siyempre higit na nakakaapekto ito sa ating mga negosyo dahil walang operasyon at bawas din ang kikitain nila.


Hiling lang natin na pag-aralang mabuti ng kinauukulan habang tiyaking magiging pakinabang ito sa para sa lahat.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page