top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Pinas, hindi na makalalahok sa FIBA 3X3 Lipik Challenge

BULGAR
May 21, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 21, 2021




Bunga ng mga suliranin sa pagkuha ng visa at ibang papeles, hindi na tutuloy ang Manila Chooks TM sa 2021 FIBA3X3 Challenger Lipik na magbubukas ngayong araw sa Croatia. Malaking dagok ito para sa mga atletang sina Chico Lanete, Mark Jayven Tallo, Zachary Huang at Dennis Santos na todo ganadong bumawi matapos ang World Tour Masters sa Doha, Qatar noong Marso.

Walang embahada ang Croatia sa Pilipinas kaya dapat ipadala ang mga dokumento sa pinakamalapit sa Jakarta, Indonesia noong Mayo 7 pa. Hindi rin nakatulong ang kasalukuyang pandemya sa kilos ng transaksyon.

Kung natuloy sa Lipik, daraan ang Manila Chooks TM sa qualifying round kontra sa #16 koponan sa buong munod Korolev ng Russia at ang punong-abala Split ng Croatia. Ang nag-iisang magwawagi sa qualifier ay tutuloy sa Grupo C ng main tournament kasama ang dating kampeon Novi Sad ng Serbia at Aomi ng Japan.

Halos isang linggo nag-ensayo ang Manila Chooks TM sa gabay ni Coach Aldin Ayo sa Quezon Convention Center sa Lucena City sa tulong nina Gov. Danilo Suarez, Quezon Sports Head Jonas Guiao at ng National Basketball League. Bilang mga atletang propesyonal, ang ensayo ay binigyan pahintulot ng Games and Amusements Board (GAB).

“Gusto talagang bumawi ng koponan pero may mga bagay na hindi natin hawak at kontrolado,” wika ni Coach Ayo. “Bawi na lang sa susunod, iyan ang magagawa natin sa ngayon.”

Sa gitna ng hindi inaasahang pangyayari, matibay pa rin ang loob ng pamunuan ng Chooks To Go Pilipinas 3X3 na buksan ang kanilang mga torneo ngayong taon simula sa mas pinalaking President’s Cup. Ang mga magwawagi ay gagawaran ng tiket na maglaro sa mga susunod na yugto ng World Tour Masters, Challenger at Super Quest.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page