top of page
Search
  • BULGAR

Pinapunta sa bahay, kumain kaya naghubad ng face mask… ANGELINE, NA-TRACE NA SA KATRABAHO NAHAWA NG

COVID


ni Melba R. Llanera - @Insider | April 20, 2021




Para kay Angeline Quinto, mabuti na rin na wala ang ina na si Mama Bob nang dapuan siya ng sakit na COVID-19.


Alam ng singer na bukod sa edad ng ina na high risk na, 'di rin ito papayag na 'di siya alagaan at mag-aalala ito nang husto sa kanya.


Pagbabalik-tanaw ni Angge, nakuha niya ang virus nang dalawin siya ng isang katrabaho sa bahay at dahil kumain sila ay naghubad sila ng face mask.


Pagkatapos nito ay nalaman niya na nagpositibo ang nasabi niyang katrabaho kaya alam ng singer na rito niya nakuha ang virus.


Ang unang sintomas na naramdaman ni Angeline ay ang pagkakaroon ng on and off na lagnat, pagkasira ng tiyan at ilang araw ang lumipas ay nawalan na rin siya ng pang-amoy at panlasa at hanggang sa ngayon nga ay 'di pa masyadong bumabalik ang mga ito.


Ang mas kinatakutan ng singer ay ang mas makahawa sa mga kasama niya sa bahay at mabuti na lang, pagkatapos magpa-antigen test ng lahat ay lumabas na siya lang ang nagpositibo at lahat ng kasama sa bahay ay negatibo.

'Di alam ni Angeline kung paano niya napaglabanan ang virus. Ang tangi lang niyang ginawa ay magdasal pagkagising, magpapawis at palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins.


Tumatak din sa isip ni Angeline ang mga mabibigat na pinagdaanan sa buhay at alam niya na 'di lang isang COVID-19 ang magpapatumba sa kanya.

Sa ngayon ay mas doble na ang ingat ni Angge kung saan aminado siya na medyo nagpabaya siya at nakalimutang uminom ng vitamins 'pag nauubos ang supply niya.

'Di lang si Angge ang masuwerteng gumaling sa sakit na dulot ng COVID-19 kundi maging sina Heaven Peralejo, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache at marami pang mga celebrities na 'di rin nakaligtas sa bagsik ng virus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page