Pinalitan ni Michael Sager… MAVY, WALANG PAKI KUNG TINANGGAL NA HOST NG PBB

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 8, 2026

Photo: IG _mavylegaspi
Out na nga si Mavy Legaspi bilang isa sa mga hosts ng Pinoy Big Brother (PBB). Hindi na siya makakasama nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Enchong Dee at Alexa Ilacad na mga nananatiling hosts ng programa.
Papalit kay Mavy si Michael Sager, na ayon sa marami ay good choice dahil mas malakas ang karisma.
Ganunpaman, mukhang hindi naman apektado si Mavy sa pagkakatanggal niya sa PBB. May post siya sa kanyang Instagram (IG) na, “I could care less!”
Hindi bitter si Mavy at maluwag sa dibdib niyang tinanggap ang lahat. Siguro, hindi niya talaga linya ang pagho-host ng show.
Well, marami pa siyang dapat na matutunan. Pag-aralan muna niya ang lahat upang maging buo ang kanyang self-confidence.
Ang mahalaga naman ay happy ang kanyang love life sa piling ni Ashley Ortega. At walang pressure from his parents na mag-excel siya sa kanyang showbiz career.
Kung dati, pa-sweet…
CARMINA, IBANG-IBA NA, NAGMUMURA KAPAG GALIT
TIYAK na marami ang maninibago sa character na ginagampanan ni Carmina Villarroel sa seryeng The Loyalty Game na mapapanood sa TV5.
Isang mataray at masungit ang kanyang role sa serye, at hindi sanay ang mga tao na kontrabida siya.
Malaking pagbabago ito na hindi nakasanayan ng mga dating tagahanga ni Mina. Kilalang sweet at demure ang aktres noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Hindi mai-imagine ang isang Carmina na mabunganga at nagmumura kapag galit.
Para sa aktres, isang malaking challenge ang tumanggap ng role ng isang kontrabida na malayo sa dati niyang image noon.
Pero maging sa tunay na buhay, hindi naman daw sa lahat ng oras ay laging kalmado at mabait ang mga artista. Tao lang din sila na may kahinaan, hindi sila perfect at nagkakamali rin.
NAGTAPOS na ang 2026 Puregold CinePanalo Film Festival noong October 4, pero dahil sa request ng marami na hindi nakahabol sa last day sa mga sinehan, napagdesisyunan na i-extend ito ng another week para mapagbigyan ang lahat, lalo na ang mga estudyante.
Marami ang nagkainteres na panoorin ang pelikulang Mono No Aware, na nanalong Best Film in Full-Length category. Marami rin ang interesadong panoorin ang Stuck On You, kung saan nanalong Best Actress si Xyriel Manabat.
Curious din ang lahat sa pelikulang Apol of My Ai, kung saan nanalong Best Supporting Actor si Zanjoe Marudo at Best Child Actor naman si Zion Cruz.
May nag-request din na mapanood ang Patay Gutom at Wantawsan.
‘Yun nga lang, hindi na puwedeng gamitin ang Festival Pass ng CinePanalo Film Festival sa mga extended screening. Kailangan nang bumili ng regular ticket ang mga manonood.





Comments