top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pinalalagpas na lang… COCO, UMAMING 'DI IKINOKOREK ANG AKTING NI JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 13, 2021





First time na maging direktor ni Julia Montes ang rumored boyfriend na si Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na siya ring pagbabalik ng CocoJules as a love team at comeback na rin ng aktres sa telebisyon.


Aminado si Coco na sa first scene na idinirek niya si Julia ay nakita niyang nahihiya ang aktres.


"Noong unang eksena na idinidirek ko siya rito sa Ang Probinsyano, nakita ko na ano pa siya, nahihiya, nao-awkward, hindi pa siya kumpiyansa,” kuwento ni Coco sa guesting nila ni Julia Montes sa Magandang Buhay na iniere kahapon, Friday.


“Hindi ko siya gaano kino-correct, kasi alam ko na mas kapag kinorek ko siya, mas matatakot siya sa akin, eh,” dagdag pa ng aktor.


Kaya kung nakikita niyang hindi naman pangit ang acting ni Julia ay pinalulusot na niya para magkaroon ito ng kumpiyansa.


“Kaya kapag nakikita ko siya 'Okay, ganda!'" sey pa ni Coco.


Umapela naman si Julia at sambit niya, “Ay, ang daya!”


Paliwanag naman ni Coco, “Sa akin, it's better na maging komportable siya sa set. 'Yung pangatlong eksena na ginawa niya, komportable na. Sabi ko 'Oh, ayan, nahuli mo na.'”


Inamin naman ni Julia na talagang nahiya siya kay Coco noong first few days and at the same time ay nape-pressure.


“Pero nahihiya rin ako sa kanya. Parang alam ko kasi na as director, 'yung rapport ng artista at director, paano? So, more of nape-pressure rin ako,” ani Julia sabay-tawa.


Pero idinagdag niyang in a good way naman ang kanyang pagka-pressure.


“Kasi nga, alam ko na kilala niya ako. Kapag sinabi niyang kulang, alam kong kulang talaga," sambit ni Julia.


At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin tumitigil si Julia sa pagte-training para sa kanyang mga eksena sa FPJAP.


“Almost every day, ‘pag wala siyang ginagawa, wala siyang trabaho, pinagte-training pa rin namin siya para maging handa siya sa mga eksenang gagawin niya. Kasi dito, the more na buwis-buhay, mas ‘yun ang pinupuntahan namin. Nakakatuwa naman na game na game siya,” kuwento pa ni Coco.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page