top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

BEA AT VINCENT, WA’ RAW PAKI SA MGA BINAHA, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA VENICE

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 13, 2026



Bea Alonzo - IG

Photo: Bea Alonzo - IG



Wala sa lugar ang mga bashers na humuhusga sa bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co.


Dahil lang sa nag-post sila ng kanilang honeymoon vacation sa Venice ay sasabihan silang insensitive sa mga kababayan nilang binaha?


Eh, bakit naman kaya kailangang idamay pa sina Bea at Vincent sa malawakang pagbaha sa mga lalawigan? Kasalanan ba nila kung maraming nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa baha? Bakit kailangang problemahin nila ang nangyayaring pagbaha sa ‘Pinas? 


Bakit sila ang nakikita at pinag-iinitan ng mga bashers? 

Karapatan nina Bea at Vincent ang lumigaya dahil stable na sila at nasa tamang edad na upang magpamilya. Bakit kailangang kainggitan sila ng mga tao sa kanilang paligid? Pinaghirapan naman nila kung ano ang estadong narating nila sa buhay. 





May tell-all sa love life?!

PAG-AMIN NI ALDEN KAY VICE, INAABANGAN NG FANS



SI Alden Richards ang special guest at makaka-one-on-one ni Vice Ganda sa pilot episode ngayon ng Gandang Gabi Vice na mapapanood sa GMA-7. 


Tiyak na hindi ito palalampasin ng mga fans at supporters ni AR dahil aabangan nila kung ano ang latest na kaganapan sa buhay ng kanilang idolo. Ano’ng atake kaya ang gagawin ni Vice Ganda upang mapiga ang mga sikretong itinatago ni Alden?


Handa na rin kaya si AR na mag-tell-all sa Gandang Gabi Vice? Aamin na kaya siya tungkol sa kanyang love life at kung sino ang kanyang TOTGA?


Well, bukod kay Alden ay naka-line-up na rin ang Comedy Genius na si Michael V. a.k.a. Bitoy. May mga nagre-request na i-guest din ni VG sina Marian Rivera, Vilma Santos, Heart Evangelista, Dingdong Dantes, atbp..





‘Di imbitado sa kasal nila ni Chloe…

CARLOS, ITINAKWIL NA NANG TULUYAN ANG MGA MAGULANG



MARAMI ang nag-react sa naging pahayag ni Carlos Yulo sa interview sa kanya ni Karen Davila na ayaw niyang imbitahin ang mga magulang sa kanilang kasal ni Chloe San Jose. 


Nabanggit kasi ng atleta na nagbabalak na silang magpakasal ng GF matapos ang anim na taon nilang relasyon.


Sabi ni Carlos, mas okay na raw na wala nang iba pang kasama sa kasal maliban sa kanila. 


Ayaw na niyang magkaroon pa ng gulo sa seremonya kapag nandu’n pa ang kanyang mga magulang.


Labis na ikinagulat ng marami ang matapang na pahayag ni Carlos Yulo. Ganito raw pala katigas ang loob niya at hindi pa ganap na matanggap ang kanyang mga magulang.

At hindi kami makapaniwala na masasabi ito ni Carlos sa kanyang mga magulang.


Kinalimutan na niya na utang niya sa mga ito ang kanyang buhay. 


May ganito palang anak na nagagawang itakwil ang sariling mga magulang ngayong malayo na ang kanilang narating sa buhay. 


Kailan kaya mare-realize ni Carlos ang kanyang pagkakamali? Ang mundo niya ay kay Chloe na lang umiikot ngayon. Maraming magulang ang dismayado sa naging pahayag ng sikat na atleta. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page