Pinakawalan na ng Dos… BEA, PIPIRMA NA NG KONTRATA SA GMA-7
ni Nitz Miralles - @Bida | July 01, 2021

Ngayong araw daw pipirma ng kontrata sa GMA Network ang award-winning actress na pinahulaan ng network.
Si Bea Alonzo ang hula ng mga nakakita sa teaser na: “An Award-Winning Actress Will Soon Be A Kapuso” at dahil daw ito sa “Be A" sa teaser na kapag pinagtabi ay lalabas na “BEA.”
Bukod kay Bea, may humula rin na si Judy Ann Santos o si Maja Salvador ito na mukhang malabo. Si Judy Ann, ayaw umalis sa ABS-CBN at si Maja naman, may series sa TV5.
Sa isang website na nagre-report sa mga talents ng ABS-CBN, ipinost ang photos ni Bea at pinasalamatan siya sa pagiging Kapamilya for a long time.
Caption ng post: “BE beAutiful Always. Thank you for being with us for so many years. You will be remembered and we will be thankful always to you. Hanggang sa muli, paalam.”
Anyway, parang wala nang balita sa sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 mula nang umatras si Willie Revillame na maging co-producer dahil sa sobrang busy.
Teleserye na raw ang gagawin ni John Lloyd at kung balitang pipirma na si Bea ng kontrata sa GMA Network, sila kaya ang pagtatambalin ng Kapuso Network sa nasabing teleserye?





Comments