top of page
Search
  • BULGAR

PINAKASALAN NI ANGELINE, 4 DAW ANG PANGANAY SA IBA'T IBANG BABAE

ni Beth Gelena @Bulgary | April 27, 2024





KAKAIBA ang naging kasal ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz long-time live-in boyfriend na si Nonrev Daquina nu'ng April 25 sa historic Quiapo Church. 


Ang Quiapo Church ang pinili ni Angge dahil mula nang bata siya ay nakapanata na siya sa Poong Nazareno. Tuwing fiesta sa Quiapo ay hindi pumapalya si Angge na bisitahin ang Black Nazarene. 


Sina Angeline at Nonrev ay nagsama sa iisang bubong since 2020.


Present sa wedding ang mga close friends ng singer na sina Vice Ganda, Sarah Geronimo, Erik Santos at Zsa Zsa Padilla, among others. Of course, ang anak nilang si Sylvio ay nandu'n para saksihan ang pag-iisang-dibdib ng kanyang mga magulang. 


Angeline could be seen wearing a beautiful cream-colored off the shoulder gown. 


Si Nonrev, sa kabilang banda, ay nagsuot ng simple ngunit klasikong Barong Tagalog na may ilang patterns.Ani Angge, “Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin, dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiancé ay nand'yan.”


Napansin lang namin na imbes bridal car ay jeepney yata ang sinakyan nina Angge at Nonrev.


Heto naman ang reaksiyon ng mga netizens sa naturang kasalan…


“Suwerte ni boy! Last panganay mo na ‘yan, ha?”


“Congrats, Angge. For sure, happy si Mama Bob, hahaha!”


“Congrats, Angge! Nilinis talaga ang paligid ng Quiapo Church for you, hahaha! Bongga.”


May mga duda naman sa intensiyon ng guy at sinabihan si Angge na dapat ay may prenup sila para hindi ito magsisi sa huli.


“Pang-masa talaga si Angeline! Sana nga lang, may prenup, marami pa naman itong ganap.”


“Taga-Tondo si Sir, middle-class, OFW (overseas Filipino worker) ang nanay. May mga negosyo like clothing, inspired perfume, mga negosyo na uso sa kabataan.”


“Ang sabi, marami raw panganay si guy at walang trabaho. Good luck, Angge.”


“In short, si Angge ang bumubuhay kay guy. Sana, hindi mag-ala-Pokwang si Angeline.”


“Sana naman, may prenup talaga. 'Wag magsisi sa huli. For now, enjoy and have a happy and everlasting married life.”


Dagdag pang hanash ng ilan… “May work naman daw, sabi ni Angge, sa Casino, but with 4 kids with different moms? Baka kulang pa ‘yun pansustento. And what was he thinking? Bakit ka mambubuntis ng tatlong babae? I don't find him gwapo, sorry. Mabuting tao ba ang nambubuntis nang paulit-ulit. I hope hindi magsisi si Angge sa huli.”


“Bulag talaga ang pag-ibig. 'Pag in love ka, ‘di ka talaga makikinig sa payo ng iba kahit alam mong may sense or kitang-kita mo na 'yung red flags. Ganyan na ganyan ang sister ko, 'yung realizations will come later.”


“I admire na ikinasal sila sa church. Pero sana lang talaga, matino itong si guy. Questionable kasi, knowing iba-iba ang nanay ng tatlo niyang anak. Baka kay Angge ipapasustento…”


“House husband si guy. Si Angeline rin naman mismo ang nag-request sa guy na 'wag na mag-work at mag-stay na lang sa bahay to look after them and their son."


May mga natuwa rin sa mga nakitang guests ni Angge sa wedding. 


“Bongga naman ni Angge!!! Bigatin at madaming tao, kasal ng bayan yarnnn?”


“Sarah being present at Angeline Quinto's wedding, such a humble gesture! Dito mo malalaman na tine-treasure talaga ni Sarah ‘yung malalapit niyang kaibigan, to think magkaklase sila ni Angge at magkalaban sa singing show and now na parehas nang sikat, ang saya!”


“Puwede palang magpakasal sa Quiapo Church. Ganda ng church!”


“Usually sa employees and part ng ministry and choir ang puwede. Mukhang may special permission.” 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page