Pinagtulungan ng 3... 61-anyos, kinatay dahil sa selos

ni Janice Baricuatro @News | September 28, 2026

Photo: File
Nasawi ang isang 61-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng isang suspek habang hawak ng dalawa pa nitong kasama ang biktima dahil umano sa selos, kamakalawa sa Brgy. Queensrow Central, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang biktima sa alyas Danilo, 61, residente ng lugar.
Ang pangunahing suspek naman ay si alyas Kalbo, habang kasama nito sina alyas Richard, 38, at Josie, na umano’y karelasyon ni Kalbo.
Alas-4:30 ng hapon nang magtalo sina Danilo at Kalbo dahil umano sa hinalang may gusto ang biktima kay Josie. Sa gitna ng pagtatalo, bumunot ng patalim si Kalbo habang hinawakan naman umano nina Richard at Josie ang biktima bago ito pagsasaksakin.
Matapos ang insidente, mabilis na sumakay sa motorsiklo ang tatlo at tumakas.
Hindi na naisalba ang biktima sa pagamutan. Sa follow-up operation ng Bacoor Police, naaresto si Richard habang patuloy na tinutugis sina Kalbo at Josie.





Comments