P42 taas-sahod sa Central Visayas, Calabarzon next — DOLE

ni Mylene Alfonso @News | September 28, 2026

Photo: Currency - Circulated
Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order para sa dagdag na P42 sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Visayas.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, pinirmahan ang wage order matapos ang pulong ng NWPC sa Cebu.
Epektibo ang umento sa Oktubre 14 sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.
Samantala, sinabi rin ni Tolentino na posibleng malapit na ring magpatupad ng taas-sahod sa CALABARZON, pero mahabang proseso aniya ito.





Comments