Sumemplang, tumilapon... Rider, nadale sa lubak sa EDSA

ni BRT @News | September 28, 2026

Photo: Brgy. 94 Caloocan - CCTV
Sugatan ang isang rider matapos tumilapon mula sa kanyang motorsiklo sa bahagi ng EDSA sa Caloocan dahil sa malalim na lubak pasado alas-12 ng hatinggabi kahapon, Setyembre 27.
Dinala na sa pagamutan ang rider, habang nilagyan muna ng traffic cones ang nasabing lubak upang maalerto ang mga motoristang dumaraan sa lugar.
Sa isang pahayag ng tanod na si Reynaldo Gilip, nadatnan nilang nakahiga sa kalsada ang rider. Nagtamo umano ng mga galos sa paa at braso ang rider.
Nanawagan ang mga residente at motorista sa mga kinauukulan na agarang ayusin ang kalsada upang maiwasan ang mga aksidente.





Comments