top of page

Pinagtitibay ng siyentipikong pagsusuri ang kaso para sa smoke-free products sa tobacco harm reduction

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Chit Luna @News | February 4, 2026


World Health Organization at tobacco Laboratory Vape

Photo: File



Isang bagong toxicological review na inilathala ng US National Library of Medicine (NLM) ang nagbabala na maaaring hindi nabibigyan ng sapat na pansin sa kasalukuyang diskusyon tungkol sa smoke-free products (SFPs) ang isang mahalagang usaping pangkalusugan ng publiko.


Ang NLM ang pinakamalaking biomedical library sa mundo at nagsisilbing pambansang sanggunian para sa mga propesyonal sa kalusugan, mga siyentipiko, at publiko.


Ang pagsusuring pinamagatang, “The potential of smoke-free products to reduce harm for smokers: What does the toxicological evidence say?”, ay nagbigay-diin na napakaraming siyentipikong datos ang nagpapakitang ang e-cigarettes, heated tobacco products, at nicotine pouches ay nagdudulot ng mas mababang panganib kumpara sa tradisyunal na paninigarilyo.


Ang pag-aaral ay isinulat ni Reinhard Niessner ng Technical University of Munich at inilathala noong Agosto 2025, kasabay ng pagbabago ng mga polisiya sa tabako sa Europa.


Binigyang-diin ni Niessner na sa iba’t ibang bansa, napatunayang epektibo ang mga SFP gaya ng e-cigarettes, heated tobacco, at nicotine pouches sa pagtulong sa mga naninigarilyo na tuluyang tumigil sa sigarilyo.


Aniya, ang SFPs ay lumilikha lamang ng maliit na bahagi ng mga toxin na nalilikha sa pagsusunog ng tabako, kaya nag-aalok ito sa mga naninigarilyo ng praktikal na paraan upang lumipat sa mas ligtas na paggamit ng nikotina.


Ipinunto rin ni Niessner na sa United Kingdom, ang pagsusulong sa smoke-free products bilang mas ligtas na alternatibo ay nakatulong upang bumaba ang smoking rate ng mga adulto mula 20.3% noong 2010 tungo sa 11.9% noong 2023. Sa Sweden naman, naging sentral ang snus sa pagbaba ng antas ng paninigarilyo sa makasaysayang pinakamababang antas. Sa Estados Unidos, ang pagtaas ng paggamit ng e-cigarettes ng mga adulto ay naging mahalagang salik sa pagbawas ng smoking prevalence.


Batay sa kanyang kadalubhasaan bilang aerosol chemist, ipinaliwanag ni Niessner na hindi nikotina ang pangunahing sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo; kundi ang mapanganib na halo ng mga kemikal na nalilikha kapag sinusunog ang tabako.


“When tobacco is ignited, cigarettes emit approximately 6,500 components, of which about 100 are of major toxicological concern,” Niessner said.


Binigyang-diin ni Niessner na iniiwasan ng smoke-free products ang combustion, kaya naaalis ang pinakanakakapinsalang reaksiyong kemikal. Idinagdag niya na ang e-cigarettes, heated tobacco, at oral nicotine products ay smoke-free, hindi nagsusunog ng tabako, at naglalabas ng mas mababang antas ng harmful and potentially harmful constituents (HPHCs) kumpara sa sigarilyo.


“It is the nature of science that the evidence will never be complete, but the totality of data should be considered when discussing the correct handling of SFPs. At present, these data suggest that SFPs can play a useful role in curbing the individual and societal risks associated with smoking,” Niessner said.


Binanggit din niya na ang e-cigarettes ay nagdudulot ng 80% hanggang 99.9% na pagbawas sa mga nakalalasong compound kumpara sa paninigarilyo, habang ang heated tobacco products naman ay nakakabawas ng higit sa 90% ng emissions ng mapanganib na carcinogens gaya ng tobacco-specific nitrosamines.


Samantala, ipinapakita ng pagsusuri na ang nicotine pouches ay may antas ng toxicants na kahalintulad ng makikita sa nicotine patches at chewing gum, na nagpapakita na kabilang ito sa mga pinakaligtas na nicotine products na kasalukuyang available.


Iginiit ni Niessner na ang hindi pagbibigay-diin sa nabawasang panganib ng mga produktong ito ay nagkakait sa mga adult smokers ng mga opsyon na maaaring makapagligtas ng buhay. “Raising concerns alone does not sufficiently inform the 20 million smokers about the comparative health risks,” he said.


Bagama’t hindi ganap na walang panganib ang smoke-free products dahil sa nakaaadik na katangian ng nikotina, binibigyang-diin ng pagsusuri na may ginagampanan silang “useful role in curbing individual and societal risks.”


Binibigyang-diin din ng review na kailangang protektahan ng mga regulator ang kabataan at mga hindi naninigarilyo, ngunit dapat ding tiyakin na ang mga adult smokers ay may karapatan sa malinaw na impormasyon at mas ligtas na mga alternatibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page