National Land Use Act, Agricultural Land Conversion Ban Act, isinusulong ni De Lima
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 11, 2025

Photo: Leila de Lima / FB
‘Para sa food security at proteksyon sa sakuna’
Isinusulong ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang pagsasabatas ng mga panukalang National Land Use Act at Agricultural Land Conversion Ban Act upang protektahan ang kalikasan at lupang agrikultura para sa seguridad sa pagkain at panangga sa mga kalamidad.
Kasunod ito ng mga tumamang kalamidad sa bansa na nagdulot ng matitinding pinsala sa ilang lugar.
“Kasabay ng tapat na implementasyon ng tamang mga imprastraktura, ng pagpapanagot sa mga tiwaling ibinubulsa ang pondo para sa kinakailangan at de-kalidad na mga proyekto, ipasa na ang matagal na dapat naisabatas na National Land Use Act, at Agricultural Land Conversion Ban Act,” ani De Lima.








Comments