Pinagtago dahil aarestuhin na… SEN. ROBIN, GAME MAMATAY PARA KAY SEN. BATO
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 28, 2026

Photo: FB Robin Padilla & Bato dela Rosa
Ayon kay Sen. Robin Padilla, handa raw niyang depensahan at tulungan si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
To recall, nagsimulang magtago si Dela Rosa at hindi na dumalo sa Senate sessions matapos kumpirmahin ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na may arrest warrant laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).
Ani Sen. Robin, kung maaaresto si Bato, “Mamamatay na kaming dalawa ru’n.”
Kahit na kilalang ally ng Duterte family ang senador at nahaharap na sa ethics complaint, sinabi ni Ethics Committee Chairman JV Ejercito na posible umanong ma-dismiss ang reklamo laban kay Dela Rosa dahil wala namang batas ang Senado tungkol sa “No work, no pay”.
Apela pa ni Senator JV, i-waive ng senador ang kanyang salary at sundin ang ‘no work, no pay’ policy tulad ng ginagawa ng mga ordinary workers.
Ayon pa sa report, patuloy pa rin daw na nakukuha ni Sen. Bato ang kanyang sahod na nagkakahalaga ng P237,000.
Muling nagsalita si Sen. Robin tungkol sa posibilidad ng pag-aresto kay Dela Rosa dahil sa pagkakasangkot sa anti-illegal drugs campaign ni former President Rodrigo Duterte.
Sabi ng mister ni Mariel Padilla, “‘Di ko naman tinitingnan na absent ‘yun kasi culprit din ako ru’n. Ako ang nagsabi na, ‘Pare, magtago ka muna.’ Kasi ang iniiwasan ko, ‘pag s’ya ay hinuli sa Senate at nandu’n ako, mamamatay na kaming dalawa ru’n. Kung kukunin s’ya ng dayuhan du’n, sa akin, personal ‘to. Foreigner ‘to.”
Grabe ring makipagkaibigan si Sen. Robin, handang mamatay para kay Sen. Bato.
Aktres, proud na proud… ANAK NI RUFFA, NAKA-GRADUATE NA NG ADVERTISING SA US
NAGTAPOS na si Lorin Gutierrez sa Seaver College (SC) sa Pepperdine University (PU) sa Los Angeles County, California sa degree na Advertising.
Sa kanyang post, pinasalamatan ni Lorin ang pamilya at mga kaibigan para sa pagmamahal at suporta.
Ibinahagi naman ni Ruffa Gutierrez ang kanyang saya online at tinawag si Lorin na kanyang ‘hardworking baby girl’.
Isa na namang blessing ito sa pamilya Gutierrez. Ibinahagi ng anak nina Ruffa at Yilmaz Bektas sa kanyang Instagram (IG) ang kanyang graduation photo, kung saan buong-pagmamalaking nagpakuha siya ng litrato sa harap ng karatula ng PU sa Malibu, California.
“Lorin Gabriella Gutierrez Bektas, B.A. in Advertising from Seaver College,” ang isinulat niya sa caption.
Dagdag pa niya, “So grateful for all the love and support that made this moment possible. My family, my mom, my friends, and the @pepperdine community. Above all, thank you God for guiding me every step of the way.”
Ang ina niyang si Ruffa ay kabilang sa mga unang na-happy sa post ni Lorin at nag-comment ito.
“Congratulations my hardworking baby girl @loringabriella (heart emojis) I’m soooooo proud!!!! WE ALL LOVE YOU FOREVER!!!” comment ni Ruffa.
Noon pa man ay lantaran nang ibinahagi ni Ruffa kung gaano niya pinahahalagahan ang edukasyon para sa kanyang dalawang anak na babae, sina Lorin at Venice — at ang sandaling ito ay malinaw na isang pangarap na natupad para sa kanya.
Pinoy pride, pasok na sa grand finalists…
MATTY J., 2 BESES NANG NAKA-GOLDEN BUZZER SA BRITAIN’S GOT TALENT
BASTA talaga sa larangan ng pagkanta, hindi pahuhuli ang boses ng mga Pinoy.
Imagine, ang contestant ng Britain’s Got Talent (BGT) na si Matty Juniosa, ating Pinoy pride, ay dalawang beses na nakakuha ng Golden Buzzer mula sa mga judges kaya wala na siyang kahirap-hirap para sa grand finals.
Pasok na siya sa BGT Season 19 matapos niyang makatanggap muli ng Golden Buzzer sa semi-finals.
Sa audition pa lang ay nakakuha na siya ng Golden Buzzer sa kakaibang rendition niya ng Purple Rain.
Muling na-impress ang mga judges at audience nang sa semi-finals ay ang Dream On naman ang kanyang ipinarinig, kung saan nakatanggap si Matty ng standing ovation mula sa mga manonood.
Hindi napigilan ni Judge Amanda Holden na pindutin ang Golden Buzzer dahil sa napakahusay niyang pag-awit.
Well, nag-goosebumps nga raw ang audience at mga judges sa performance na ipinakita ni Matty.
Ayon sa isang commenter, “I don’t even know what to say. You are just effortlessly sensational.”
“It just pours out of you so easily,” dagdag pa ng nagkomento.
Aniya, “That was a stellar masterclass in how to deliver a Class A vocal. Well done.”
Wika naman ni Matty, “I feel crazy right now. Like it’s not real. Oh, my God!”
Si Simon Cowell ang unang pumindot ng Golden Buzzer sa live audition ni Matty Juniosa.




Comments