top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinagsama sa Christmas Special ng ABS-CBN… DANIEL TODO-PA-CUTE PA RIN, KATHRYN TODO-IWAS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | December 14, 2023




Viral ngayon ang latest photos at video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kuha sa Christmas Special ng ABS-CBN.

 

Ito kasi ang first time na nakitang magkasama uli ang KathNiel matapos nilang aminin ang kanilang hiwalayan nu'ng Nov. 30, 2023 sa kani-kanilang Instagram account.

 

Sa video clip, makikitang kumakanta ang dalawa sa stage pero hindi naman sila sweet at halatang kailangan lang mag-perform na ginawa naman nila professionally.

 

Nakakabilib ang pagiging propesyonal ng dalawa, lalo na ni Kathryn, to think na siya nga ang sinasabing naagrabyado sa hiwalayan nila ni DJ.

 

Bukod sa naturang video nila sa stage, may kumalat ding video sa TikTok kung saan pagbaba nila ng stage, inaayos ni Kathryn ang damit niya at gusto siyang hawakan ni DJ na mukhang nagpapa-cute pero halatang umiwas na si Kathryn at hindi halos makatingin nang mata-sa-mata kay Daniel.

 

May mga netizens ang lalong naawa kay Kathryn dahil mukhang hindi pa raw ito nakaka-recover sa hiwalayan, pero no choice siya dahil kailangan niyang harapin si Daniel at makasama sa isang production number.

 

Samantala, may ilan namang fans ang nagagalit sa ABS-CBN sa pagiging insensitive raw ng mga ito sa feelings ng kanilang alaga dahil bakit daw pinagsama pa ang KathNiel gayung alam na nga raw na hiwalay na sila?

 

Tuloy, may ilan pang nagsabi na baka sinakyan at ginamit lang din ng Kapamilya Network ang pagkakataon para mag-click ang Christmas Special nila at pag-usapan.

 

Sana raw, hayaan na munang mag-move on sina Kathryn at Daniel at irespeto ang feelings nila.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page