Pinagpiyestahan sa socmed… KIM, OUT SA IT'S SHOWTIME DAHIL BABALIK NA SI ANNE
- BULGAR
- Aug 31, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 31, 2021

Palaisipan sa mga netizens ang tila 'di normal na participation ni Kim Chiu sa It's Showtime nitong mga nakalipas na araw. Naging topic ng ilang netizens ang exposure ni Kim sa Kapamilya noontime show.
Tanong ng mga netizens, bakit hindi raw nagho-host si Kim sa It's Showtime?
"Ano'ng nangyari kay Kim Chiu sa Showtime? Bakit hindi sila salitan mag-host ni Vhong (Navarro)? Saka hindi siya nagpa-participate sa mga questions sa madlang pipol?"
"O, 'di ba? Natapos ang episode today na kumanta lang ng opening at sumagot sa tanong si Kim Chiu. Kahit closing/goodbye greetings, 'di ko narinig boses niya. Oo, minsan maingay siya pero noontime show 'to, kailangan ng energy niya!"
"Napansin ko lang 2 days na nakaupo lang si Kim sa Showtime. Last Saturday, wala siyang mic at 'di pinapasagot."
May nag-post din ng comment at nag-alala sa balitang tatanggalin daw si Kim sa It's Showtime.
"May mga issues din ako kay Kim as a host ng It's Showtime, pero aaminin kong malulungkot ako if true na aalis na siya sa show. 'Di biro 'yung mag-iisang taon, ha? Okey na rin, para mabawasan ang negatives na natatanggap niya. Focus naman muna as an actress at sa acting workshop."
"Kairita kaya ang boses niya lalo na 'pag tumawa, lakas maka-fake. Corny din naman mga jokes niya. Hindi siya kawalan sa Showtime like duh."
Naku, nag-wan-plus-wan agad ang mga netizens without gathering enough facts. Wait na lang tayo for the announcement ng program.
Idinagdag pa sa pagdududa nila na may kinalaman daw ang pagbabalik ng isa sa original hosts ng It's Showtime na si Anne Curtis sa pag-alis ni Kim sa Kapamilya noontime show.
"Hmmm, either pakulo lang ito or unti-unti na nila talagang aalisin si Kim to give way to the return of Anne."
"'Yan ang naisip ko sa simula pa lang. Replacement lang siya habang wala si Anne."
"Finally!!! Ibalik na si Anne Curtis... pioneer host sina Jugs (Jugueta) & Teddy (Corpuz). Si Ion (Perez), ok lang kahit wala."
Mas bongga kung stay pa rin si Kim Chiu, tapos balik na rin si Anne Curtis sa It's Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z Channel 11 and digitalized channel 20, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.




Comments