Pinagkaguluhan ng fans kahit wala si Kathryn… DANIEL, NAGBUKAS NG BAGONG RESTO SA DUBAI
- BULGAR
- Mar 8, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 8, 2024

Pinagkaguluhan — at may kasama pang sigawan — ang ex-BF ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla habang nasa Spice Grill Restaurant sa Dubai.
Wala ring tigil ang pagpirma nito ng autograph sa mga fans na tuluy-tuloy ang dating.
Nagpunta si Daniel sa Dubai para sa opening ng Spice Grill Resto, kung saan ay isa siya sa mga investors. Nagkapirmahan ng kontrata sina Daniel at ang co-owner nito na si Lourds Adalia-Everste, kaya after Vietnam and Hong Kong, dumiretso sa Dubai si Daniel para sa bagong negosyo na pinasok.
“We couldn’t be more thrilled about this journey together. This will take our brand to the next level,” pahayag ni Ms. Adalia-Everste.
First investment daw ni Daniel ang Spice Grill na isang Filipino-owned resto na may branches sa iba pang parts ng UAE (United Arab Emirates). Ang Dubai branch na nag-open nitong March 6 ang pinuntahan ng aktor.

May mga susunod pa raw na negosyo itong bubuksan and of course, may mga negosyo rin si Daniel dito sa bansa. Isa na nga ang franchise branch ng KFC na nasa Tacloban City.
Nami-miss na ng kanyang mga fans dito si Daniel since tinatahak na niya ang business venture.
May mga fans naman na pinauuwi siya, tama na raw ang sunud-sunod na biyahe at bumalik na raw siya, then simulan nang gawin ang mga projects na inilatag ng Star Cinema para sa kanya.





Comments