Pinagde-deliver na lang ng leche flan… SERYE NI MIGUEL SA GMA-7, ‘DI RAW NAG-CLICK, TSUTSUGIHIN NA
- BULGAR

- May 23, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 23, 2025
Photo: Miguel Tanfelix - IG
Nagbiruan ang mga fans ni Miguel Tanfelix dahil malapit na ang ending ng Mga Batang Riles (MBR), sa June 6 na, at malapit na ring magtapos ang taping nito, o baka tapos na nga.
Ibig sabihin daw, makakapag-focus na ito sa pagde-deliver ng leche flan na gawa ng mom niyang si Mommy Grace.
Suhestiyon pa ng mga fans, habang wala pang next project si Miguel, mag-deliver muna siya ng leche flan dahil marami sa kanila ang gusto, ang aktor ang mag-deliver ng kanilang order. Pinag-aralan pa nga ni Miguel kung paano gumawa ng kanyang favorite dessert.
Kaya lang, kahit tapos na ang MBR, hindi pa rin mababakante sa trabaho si Miguel. Magpo-promote siya ng pelikulang KMJS: Gabi ng Lagim dahil kasama siya sa cast. Hindi nga lang niya kasama si Ysabel Ortega at ang nakita namin sa teaser ay si Jillian Ward, pero hindi yata sila magkasama ng episode.
Anyway, napansin namin na may mga fans na ayaw si Miguel para kay Ysabel. May isang makulit na fan na inili-link ang GF ni Miguel sa mga co-stars nito sa Slay. May mga fans naman na inili-link si Miguel sa kasama sa MBR. Kaya ‘yun, nag-aaway-away ang dalawang kampo ng fans.
Iniisyu rin ng mga bashers ni Miguel na matatapos na ang MBR, ibig daw sabihin, hindi ito nag-hit.
Pero, 5 months ang itinakbo ng action series, matagal na ‘yun lalo na at hindi uso sa GMA na pinatatagal ang kanilang show.
NADINE, ‘DI NASIKMURA ANG HIRIT NA “SANA MA-RAPE NG ADIK”, NAGDEMANDA NA
Suportado ng ML Partylist at ni Leila de Lima ang demanda ni Nadine Lustre sa online harassment. Nagreklamo at nanumpa na ang aktres, kaya maghanda na ang mga inireklamo nito.
May statement si Leila de Lima sa reklamo ni Nadine na violations ng Safe Spaces Act dahil sa sunud-sunod na atake sa kanya.
Pinasalamatan ni de Lima si Nadine, “Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan,” part ng statement.
May galit na nag-comment na makapal daw ang mukha ni Nadine sa pag-take ng legal action, lalo’t minock daw nito si former President Rodrigo Duterte nang maaresto ng ICC.
May nag-comment pa na ang mga public figure gaya ni Nadine ay hindi dapat maging onion-skinned at dapat maging handa sa kritisismo, kasama siguro ang online harassment.
Ipinost tuloy ng fan ni Nadine ang comment ng isang basher ng aktres na ang sabi, “Sana, ma-rape ka ng adik,” at may laughing emojis pa.
Sagot ni Nadine, “One of the many that did not pass the vibe check.”
Dahil malinaw na mababasa ang pangalan ng nag-comment na sana ay ma-rape si Nadine, hindi na mahihirapan ang kampo nito na i-trace siya at may picture pa nga nito ang comment.
Marami rin ang nagpahayag ng suporta kay Nadine at wish nila, masampulan at may makulong sa matatapang mag-comment nang hindi alam na labag na sa batas.
NABASA siguro ni Sharon Cuneta ang comment tungkol sa post niya sa photo nila ni Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miel at Miguel Pangilinan. May nakapansin na walang suot na brassiere si Miel and in fairness, hindi naman siya na-bash. May mga pumuna lang na actually, hindi naman isyu sa New York City.
Nang muling bisitahin ang post na ‘yun, may nabago sa picture. Same pa rin ng posing at location, pero malinis na. Wala nang mai-comment ang mga netizens at may mga nagpasalamat pa nga na inulit o pinalitan ang photo dahil ayaw nilang ma-bash si Miel o kahit sino sa pamilya ni Sharon.
Samantala, makikita sa photos ng Pangilinan family na nag-enjoy sila sa muli nilang pagsasama-sama dahil nga nag-graduate si Frankie Pangilinan. May mga nainggit pa nga dahil isinama ni Sharon sa New York ang yaya ni Frankie bilang sorpresa sa anak.
May mga nagbiro tuloy at gustong pumasok na yaya ng mga anak ni Sharon para raw makapag-travel din sila nang libre.










Comments