top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pinagbabati raw sila, ayaw ng komedyana… JANNO, IBINULGAR NA SI KITKAT ANG DAHILAN KAYA 'DI NA SILA

BULGAR
May 20, 2021
1 min read

NAKABALIK SA SHOW NG NET25


ni Nitz Miralles - @Bida | May 18, 2021




Ibinabalik ni Janno Gibbs ang dati niyang tunog na funky sound sa latest single under Viva Records na Pangmalakasan na siya rin ang sumulat.


Nauna nang nai-release sa digital platforms ang song at puwede nang i-download at sabi ni Janno, positive ang feedback sa kanyang song.


“Parang gusto kong ibalik ang feel ng song ko dati na Pinakamagandang Lalake sa Pangmalakasan na continuation ng Pinakamagandang Lalake. Mayabang in a playful manner. Ang habol ko ay funk, gusto kong ibalik ‘yun at sa feedback, nakuha ko naman,” sabi ni Janno.


Natanong si Janno sa nangyari sa kanila ni Kitkat Favia at sagot nito, naka-move-on na siya and in fact, he is willing to work with her again in any capacity daw.


“Hindi na ako nagkukuwento, tapos na ‘yun. The sad thing is, binigyan kami ng chance ng Net25 na makabalik sa show, ang condition lang, magbati kami nang kusa. Idinaan ko sa manager niya for two weeks, kinausap ko, ayaw na niya, kaya ‘di na kami nakabalik sa show. Mahal ko pa naman ang show at kasama ko si Anjo Yllana. Personally, wala na sa akin 'yun, ‘di ako nagtatanim ng sama ng loob."


After Pangmalakasan, may two songs pa na ire-release si Janno, isang ballad na matagal nang hinihingi sa kanya at isang hugot song. May two movies din siya sa Viva Films na hindi pa naipapalabas dahil sa pandemic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page